IT’S A weekend. Naalimpungatan si Sam matapos maramdaman na may humahalik sa kanyang labi. Nang dumilat ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Hiraya. Wala sa loob na napangiti din siya. “Morning, gorgeous,” bati nito. “Morning, handsome,” sagot naman niya. Nakatagilid ito paharap sa kanya habang nakatukod ang siko sa kama at inunan ang ulo sa palad nito. Bahagya pa siyang bumangon para sumulyap sa digital clock na nasa kabilang side ng kama. It’s already seven in the morning. “Bakit ang aga mo yata nagising?” pupungas-pungas pa na tanong niya. “Maaga ako nakatulog kagabi, remember?” “Oo nga pala,” sabi pa niya. Nasundan ni Sam ng tingin ang asawa ng tumungo ito at kinintalan siya ng halik sa balikat. Pagkatapos ay umakyat iyon sa kanyang leeg hanggang sa umabot sa muk

