Chapter 42

1377 Words

KAPWA lumuluha sabay natatawa si Sam pati ang mga kasama sa Marketing Department sa huling araw niya doon sa trabaho, partikular na ang malalapit na kaibigan na si Rissa at Marcia. Sa isang araw na ang alis niya papuntang Amerika. Si Carlo, ang asawa ni Yumi ang tumulong sa kanya na makapag-schedule ng sessions sa kaibigan nitong magaling na psychiatrist. Doon na niya ipagpapatuloy ang pagpapagamot sa kanyang post traumatic stress disorder. Hindi na rin niya pinroblema ang tutuluyan dahil may bahay doon sa Los Angeles si Hiraya. “Mag-iingat ka doon, ha?” bilin pa ni Marcia. “Palagi kang mag-chat ah, o kaya video call,” sabi naman ni Rissa. Emosyonal pa rin siyang tumango. “Kayo rin mag-iingat kayo.” Muli silang nagyakap na tatlong magkakaibigan ng mahigpit. “Mamimiss ka namin!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD