“YOU looked really fresh,” puri sa kanya ni Ms. Emy. Ngumiti si Sam bago maupo sa kanyang swivel chair. It’s already past twelve in the afternoon, katatapos lang din nilang mag-lunch ni Hiraya. “And happy,” dugtong pa nito. “I am happy. Very. Thanks for the compliment.” Pumasok ito ng tuluyan sa kanyang opisina. “Grabe, parang mula ng first day mo dito. From the moment I first interviewed you, up to this moment. Ang dami na agad nangyari sa buhay mo. From a very timid and simple Samantha Lagman, to a very confident and glamorous soon-to-be Mrs. Santillan.” Marahan siyang natawa. “Iba talaga ang pamamaraan ng Diyos, Ms. Emy. Hindi natin alam sa isang iglap ay gugulatin niya tayo sa mga kaya niyang gawin sa kanyang buhay,” sagot niya. “I totally agree, and I’m happy to witnes

