Chapter 4

1247 Words
Tania Nakahalukipkip ako habang matalim ang mga matang ipinupukol sa batang sutil na nasa harapan ko ngayon. Nasa sala kami at nandon ulit siya sa mahabang sofa habang ako naman ay sa pang-isahang sofa, parehong ayos kahapon. Panay ang higop niya sa straw ng chuckie na ika-apat na siguro niyang kuha sa refrigerator. Magtae ka sana. Mas lalo ko pang tinaliman ang mga mata ko sa kaniya nang matamis niya akong nginitian. "You want some, nanny?" Inosente niyang tanong. Hmp! Akala niya naman madadala niya ako sa boses niyang mala-anghel? Excuse me! Kanina ko la hinahalukay sa dulo ng utak ko kung ano na naman kayang binabalak ng batang ito. Pero, kung ano man iyon, nakahanda na rin ako. Hindi ako lumaki sa iskwater para sa wala! "Hoy bata ka, ha? Tigil-tigilan mo na ako sa mga binabalak mo na 'yan dahil kung hindi, leletsunin talaga kita," banta ko sa kaniya pero gaya ng palagi niyanh ginagawa, tinititigan niya lang ako na para bang litong-lito. Kung makatingin, akala mo ako yung math problem na hindi niya kayang sagutan, e. "I don't understand you," aniya sabay iling. "Bahala ka sa buhay mo. Manang-mana ka sa Tatay mong suplado. Siguro kaya walang nagtatagal sa'yo kasi sobrang sutil mo, 'no? Pero sorry ka na lang kasi hindi ako magpapatalo sa'yo." Inirapan ko siya at muling humalukipkip. Inilabas ko pa ang dila ko para mas lalo siyang maasar. Nakakauhaw bantayan 'tong batang 'to, a? Inalok niya naman ako kanina ng iniinom niya pero tanga na lang ako kung tatanggapin ko iyon mula sa kaniya. Mamaya kasi may lason 'yon edi tigok ako? Siyempre minsan, kailangan ding gamitan ng utak para hindi maaggrabiyado. Tumayo ako at nagpasyang sa kusina muna ako para kumuha ng sarili kong chuckie. Hindi naman siguro bawal 'yon. Kusina naman 'yon para sa lahat. Iniwan ko siya roon sa sofa habang abala siya sa pagdutdot sa kaniyang tablet. Napailing pa ako. Hindi ko maiwasang ikumpara ang mga kapatid ko sa kaniya. Napaka-suwerte niyang bata. Gigising na lang siya sa umaga nang walang ibang inaaalala. Samantalang ang mga kapatid ko, umaga pa lang ay nakaalis na para sa eskwela o kung wala namang pasok, dumidilihensiya ng pangkain naming buong pamilya. Sa umaga, tablet ang hawak ng batang ito, ang mga kapatid ko, kahit ano na magbibigay sa kanila ng pantustos sa pang-araw araw naming buhay. Ni hindi nga nakahawak ang mga iyon ng tablet o kung ano pang mga kapritsuhan. Pero kahit na gan'on, ipinagmamalaki ko ang mga 'yon dahil ilang porsiyento ba ng mga bata ang pipiliing makatulong sa magulang kapag walang ginagawa? Kaunti na lang. Madalas kasi, mas gugustuhin nilang maghintay na lang ng malalamon. Mahal na mahal ko sila at walang kapantay iyon. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan bago ako dumiretso na sa kusina. Nang makarating doon, kaagad akong lumapit sa ref na may dalawang pinto. Iyong isa rsw ay freezer, at iyong isa naman ay simpleng ref lang. Nagulantang ako nang mabuksan ang ref at tumambad sa akin ang patong-patong na chuckie. Mula baba at taas na bahagi ay may nakabalandrang chuckie. Bakit nga ba sobrang dami nitong chuckie sa ref? Buong baranggay ba ang iinom nito? Kumuha ako ng dalawang piraso at kaagad na binutasan iyong isa. Habang sinisipsip ko iyon ay bumalik rin ako sa sala para mabantayan ang alaga ko. Pagbalik ko ay naroon parin naman si sutil. Naglalaro parin ng kung ano sa kaniyang tablet habang nakangisi na naman, hindi man lang ako binabalingan. "Why you smirk? Bad plan again, huh?" Sabi ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. "Akala mo naman maiisahan mo ako ngayong araw—s**t!" Napasigaw ako nang may kung ano akong malamig at malapot na naupuan mula sa sofa na inupuan ko. Bakit ba kasi hindi ka tumitingin, Crestania?! Sumabog ang malakas na tawa ni Chase habang ngumungiwi ako't kinakapa ang pang-upo kong nanlalagkit na dahil sa ketsup. Tumingala ako at magipon ng hangin sa dibdib dahil sa nagbabadyang pagsabog. "Chase Mereeeeeeeeeeeeell!" Malakas kong isinigaw ang pangalan niya pero mas lalo lang siyang napahalakhak. "You pay!" Igting ang pangang dinuro ko siya. "Walanghiya ka! Wait for my... my r-revenge!" Mangiyak-iyak kong banta sa kaniya. Napakabilis kumilos ng bulinggit na ito! Umalis lang ako saglit ay nakagawa na kaagad ng plano. Galing din naman ako sa kusina at saan niya kinuha ang ketsup gayong hindi ki naman siya nakitang pumasok doon? "This short," tinuro ko ang short ko na nabili ko pa sa ukay-ukay noong pasko nang nakaraang taon. "Love," sabi ko. Iyon naman ang english ng mahal 'diba?  "Ten pesos in the market!" Masama ang loob kong untag sa kaniya. Nakakainis! Sobra! Humalakhak lang siya nang humalakhak kaya mas lalo lang akong nairita. Para akong toro na nakakita ng pulang tela at ngayon ay gustong-gusto ko na iyong suwagin. Ako na mismo ang nakakakita ng usok na lumalabas sa ilong ko. Hindi siya buhok sa commercial ng sunsilk pero nakakagigil! Parang gusto ko na lang mangurot ng singit bigla. Umakyat akong muli sa aking kuwarto para ayusin ang sarili. Diring-diri dahil nagmistulang regla ang ginawa niya sa short ko! Pero, kahit ganiyan ka, hindi kita susukuan. Akala mo, ha? Habang nagbibihis ay nakaisip ako ng ganti sa kaniya. Siyempre, magiging successful 'to. Basta ako ang nagplano, sure na 'yon! Napangisi ako habang hawak ang shoe glue. Pinasingkit ko ang aking mga mata at tumango-tango dahil sa maitim na balak. Huwag kang magalala, Chase. Hindi mo naman ikamamatay ang gagawin ko, e. Humalakhak ako sa loob loob ko. Nasa akin pa rin ang huling halakhak! Galing sa aking kuwarto ay dumungaw ako sa sala. Nang hindi na maaninag ang presensiya niya doon ay dumiretso na ako sa tapat ng kaniyang kuwarto. Nang makatapat na doon ay ngumisi muna ako bago kinalat sa sahig na katapat ng kaniyang pinto ang shoe glue. Kapag natakasan mo ito, ewan ko na lang sa iyong bata ka! Kumakanta-kanta pa ako habang nagsesetup kaya naman halos maihagis ko ang hawak kong shoe glue nang may tumapik sa balikat ko. "What are you doing there, Nanny?" Taas ang kilay na tanong ni Chase habang yakap niya ang kaniyang tablet. Lumipad ang mata niya sa sahig pagkatapos ay bumalik ulit sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong binalingan siya dahil sa gulat. Itinuro ko ang pinto ng kuwarto dahil akala ko nandoon siya sa loob! "T-The mouse! Yes!" Palusot ko. Napakalaking mouse nga dapat ang mahuhuli ko pero nawala na dahil wala naman pala siya roon sa loob! "What about the mouse, nanny? Are you trying to use that trap on me? Aren't you supposed to use mouse trap instead of a shoe glue?" Ngisi niya at mas lalong tinaasan ang kaniyang kilay. "No. Of course, no. You bad ha? Don't judger me!" mas lalo kong dinepensahan ang sarili. Sunod-sunod ang naging iling ko at dinagdagan pa ng lukot na mukha. Ngayon, iisipin ko pa kung paano ko tatanggalin ang shoe glue na idinikit ko rito! Nagkibit-balikat siya at bahagyang lumayo sa akin. Akala ko ay tapos na dahil tumalikod na siya ngunit napatotohanan kong hindi pa nang may tumapon sa akin mula sa itaas. Dahil sa gulat at pandidiri dahil sa masangsang na amoy ay napaatras ako at huli na nang maalala na may ikinalat pala akong shoe glue sa inatrasan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko at tama nga ako. Laglag ang magkabilang balikat ko dahil sa pagsuko. Bakit ang tanga ko sa part na ako ang natrap sa sarili kong trap?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD