Tania
Napadaing ako dahil sa naramdamang pitik ng sakit sa sentido ko. Daig ko pa yata ang nakainom at may hang over dahil sa nararamdamang sakit ng ulo ngayon!
Nakapalibot sa akin ang mga kasambahay nang magising ako sa sofa na nasa sala. Nawalan ako ng malay dahil sa usok na kagagawan ng walanghiya kong alaga.
"N-Nasa langit na ba ako?" Nanghihina kong tanong habang sinusubukang igalaw ang katawan. Sinapo ko ulit ang aking ulo na medyo masakit pa at ang ilong na medyo mahapdi rin.
"Wala pa naman... at saka hindi ka yata tatanggapin doon, Tania." Ngiwi ng pangit na si Angelina kaya sinimangutan ko siya.
"Che! Mas lalong hindi ka tatanggapin doon! Ang sama ng ugali nito." Inikutan ko siya ng mga mata.
Nang tuluyan nang makaupo ay kaagad kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. Ilang beses ko pang ibinuka't sara ang mga mata ko para masanay dahil hanggang ngayon ay mahapdi pa rin.
"Nasaan ang walanghiyang batang iyon?" Nanggigigil kong sinabi. Iginala ko ang aking mata sa paligid at nang hindi siya makita ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko.
Umigting ang panga ko at ikininuyom ang aking mga kamao. Mabilis ang aking paghinga dahil sa nagbabadyang pagsabog ng iritasyon.
"Maghunos dili ka, Tania.Tandaan mong amo na rin siya, jusmiyo marimar ba namang katarataduhan na naman ni Chase!" Pahisteriyang sigaw ni Nana Stella sabay sapo sa kaniyang noo.
"Anong maghunos dili, Nana? Halos patayin na ako ng batang iyon, kakalmahan ko parin? Aba! Hindi naman yata patas 'yon, 'no!" Depensa ko sa sarili ko.
Walanghiyang batang iyon. Balak pa akong pausukan sa loob ng kuwarto ko. Ano ako? Multo para pausukan ng insenso?
Hindi pa ako kumakalma ay narinig ko na ang pagsabog ng tawa ni Angelina. Kaagad niya namang natakpan ang kaniyang bibig para pigilan ang sarili niya bago pa ako makalingon sa kaniya nang nakakunot ang noo.
"Naku, Manang. Mukhang nakahanap na yata ng katapat ang batang Merell, a? Ito na ba ang wakas ng kalokohan ng batang iyon? Jusmiyo po." Tumingala si Angelina at nag-sign of the cross. "Kahit bayaran pa ako ng isang bilyon ni Ser, hindi ko talaga tatanggapin dahil baka ako naman ang mapagdiskitahan ng anak niya at mailibing ako nang wala sa oras." Madrama siyang umiling.
Kaya naman pala ako binayaran ng gan'on kalaki, e! Hayop sa bangis naman pala ang batang aalagaan ko. Biruin mo ba namang unang araw pa lang sa trabaho ay nakaisip na kaagad ng kalokohan? Lakas ng trip, jusko!
Pitong taong pustisong gulang palang, marunong nang mambuwisit?!
"Kung ako sa'yo... tatatagan ko na lang ang loob ko, Tania. Grabe kasi talaga sa kasutilan ang batang iyan, e. Alam mo ba kung ilang kasambahay na ang sumuko riyan?" Tanong ni Nana Stella.
Bakit ba ako tinatanong nito, e, sa ngayon pa nga lang ako rito? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyon sa kaniya dahil mas matagal na siya rito?
"Siyempre Manang, wala naman akong lahing manghuhula kaya hindi ko alam," sabi ko. "Ilan na ba?"
Ngumiwi siya bago sumagot ng, "Pang isang libo't anim na pu't walo ka na," aniya.
Napanganga ako sa sinabi niya, dahil hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. Ano raw?
"Ano 'yon, Nana? Isang libo't ano?" Naguguluhan kong tanong muli. "Pakienglish naman po, o? Alam kong nasa Pilipinas po tayo pero hindi naman po siguro babangon si Dr. Jose Rizal sa hukay kung gagamit tayo minsan ng ibang lengguwahe, hehe," sabi ko sabay peace sign at hilaw na ngumiti.
"One thousand and sixty eight daw," si Angelina na ang sumagot sa tanong na kay Nana Stella ko naman tinanong.
"Ahh." Tumango ako habang nakalabi. "...so bakit naman po gan'on kadami?"
"Kasi iyong naranasan mo kanina, patikim palang 'yon. Kumbaga kapag may level, pang beginner palang iyong sa'yo kanina," saad niya.
Bago pa ako maka-react ay nakarinig kami ng ugong at busina ng sasakyan mula sa labas.
"Naku! Nariyan na si Mr. Merell!" Tarantang sigaw ng dalawang kanila lang ay kausap ko pa. Naging aligaga ang kilos nila at hindi na rin magkamayaw ang iba pang kasamabahay kung saan sila tutungo. Kung pupunta ba sa b****a o sa kung saan banda ng mansion.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at muling napadaing dahil sa muling pagsigid ng sakit ng sentido. Ospital pa yata ang aabutin ko nito.
Ilang sandali pa ang lumipas bago bumukas ang malaking pinto sa harap. Titig na titig ako roon at hinihintay na iluwa ang bulto ng amo ko.
"Good evening, Sir." Kaniya kaniyang bati ng mga kasambahay na may kasama pang pagyukod.
Naningkit ang mga mata ko nang sa wakas ay makita ko na siya. Suot ang kaniyang suit ay parang hari siyang naglakad papasok sa loob. Ang kanang kamay ay may hawak na case at sa kanan naman ay nakasabit ang kaniyang itim na coat.
May dalawang kasamabahay na kaagad na naglahad ng kamay para siguro'y abutin o kunin sa kaniya ang mga hawak niyang abubot. Ibinigay niya naman iyon sa kanila.
Humalukipkip ako at ipinilig ang ulo habang hinihintay silang matapos sa pag-uusap ni Nana Stella. Hindi ko naririnig dahil medyo malayo ako sa kanila. Ilang sandali pa ay magkasalubong ang kilay siyang tumango pagkatapos ay matalim at seryoso ang mga matang nilingon ako.
"Ang lakas pala ng tama ng anak mo, Sir, eh. Kaya siguro walang nagtatagal." Hindi ko na napigilan ang bibig kong magpakawala ng salita.
Nagkasalubong anh kaniyang mga kilay na para bang walang naintindihan sa mga sinabi ko ngunit kalaunan ay naging mapangmaliit rin ang kaniyang titig.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay. Ginaya ko ang ginawa niya. Pinasadahan ko rin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumuso ako nang mapansing hindi talaga siya kagaya ng mga karaniwan naming customers sa bar na mukhang pipitsugin. Naisip ko tuloy kung anong ginagawa niya noong gabing iyon doon sa bar?
Bumuntonghininga ako bago muling nagsalita, "Muntik na akong patayin ng sutil mong anak, ha?" sabi ko habang marahang naglalakad palapit sa kaniya. Ang mga kasamabahay na nasa paligid namin ang nakatunganga lang habang pinapanood ang bawat kilos ko.
"Grabe! Akala ko mabait tapos yun naman pala, ang lala!" Pagak akong natawa. Ang aking kamay ay lumipad sa aking dibdib na parang gulat pa rin hanggang ngayon.
Umiling siya na para bang hindi makapaniwala. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa kung ano man sa likod ko habang nakanguso at nang ibinalik niya sa akin ang mga mata niya may nakita akong panunudyo roon. "And?" Puno ng sarkasmo niyang sinabi.
Nalaglag ang aking panga at ang mga mata ay namilog, nagulantang sa naging tugon niya sa lahat ng panunumbong ko.
Uminit ang pisngi ko at dahil sa iritasyon, umangat ang kamay ko para ituro siya gamit ang aking hintuturo. "Anong and ka diyan? Muntik na akong mapatay ng anak mong sutil tapos and lang ang sasabihin mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"I thought you already knew? You haven't read the contact?" Walang buhay siyang naglakad patungong staircase.
Ikaw, tanda a? Huwag niyo akong ini-English-English na mag-ama dahil baka mapaguntog ko kayo!
"Anong contract ka diyan? Wala akong natanggap! At saka huwag mo 'kong ini-english."
"To bad, but it's not my fault, baby. I gave your boss the contract, you signed it. Done," aniya. May gana pa talaga siyang pagkibitan ako ng balikat at ngisian?
Paano ko pipirmahan kung hindi ko nga... ilang sandali akong nag-isip. Teka lang nga...iyon ba iyong binigay sa akin ni Mama na bigay daw ni Mrs Vhing? Hindi ko nga binasa iyon! Pinirmahan ko pa nga iyon na parang nag-boo-booksigning lang tapos iyon na pala iyong contract?!
Napa-facepalm nalang ako at inisip kung gaano ako katanga.
Sobrang gandang tanga, Tania!
Hindi na ako nakasagot pa dahil sa kahihiyan. Naiwan ako roon habang iniisip pa rin kung bakit nga ba hindi ko binasa iyon?!
Nasa huling palapag na siya ng staircase nang makapag-angat ako ng tingin. Gusto kong magwala bigla pero naisip ko rin na bakit hindi na lang ako gumawa ng sarili kong plano para makaganti sa batang Merell na 'yon?
Napangisi ako dahil sa biglaang naisip. Akala niyo naman magpapagoyo ako ng gan'on-gan'on na lang? Hmm... neknek niyo!
Humanda kayong mag-ama sa bangis ng isang Crestania Olivar Lopez. Lalong lalo ka na batang Merell!