Tania
Pagkatapos naming mag-usap ng amo ko kahapon ay magsisimula na kaagad ako ngayon sa trabaho ko. Isang buwan lang naman ako rito at hanggang ngayon, shookt pa rin ako sa presyo ko bilang yaya ng anak ni Mr. Merell. Sa isang daang milyon na iyon, eighty percent ang magiging akin. Ang ten perceng ay sa amo ko at ang natitirang ten percent pa ay sa kumare niya. Hindi naman ako maramot kaya pumayag na ako. At least, milyon pa rin naman, 'no!
Isang matanda at halos kaedad ko lang na babae ang sumalubong sa akin sa b****a ng mansion kung saan ako maninilbihan. Nakangiti iyong matanda, samantalang iyong mas bata ay blangkong ekspresyon lang ang ipinapakita sa akin.
"Magandang araw po sa inyo," bati ko sa kanilang dalawa. Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko at nahihiyang nag-angat pa ng kamay para makakaway.
"Welcome, hija. Sana mag-enjoy ka sa pagbabantay kay Chase," anang matanda bago iminuwestra ang kamay para imbitahan akong pumasok na sa loob. Baka pa ako makahakbang papasok ay nakita ko ang ngisi ng kasama ng matanda na tila ba may binabalak siyang gawin.
Umiling na lang ako at iniwasan na tumigin pa sa kaniya. Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang mga masasamang bagay na pumapasok sa kokote ko.
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib habang nakapikit ang aking mga mata. Humigpit ang hawak ko sa maletang natatanging yamang ipinabaon sa akin ni mama. Kung saan-saang baul na niya 'to kinalkal sa bahay.
Okay. Simulan na natin 'to! Isang bata lang naman pala ang aalagaan ko, e. At saka isang buwan lang, kayang kaya ko na 'to!
Habanh nakasunod ako sa matanda, may mga sinasabi niyang mga dapat at hindi dapat gawin. Bawal daw ang pagdadala ng anumang pets sa loob ng bahay lalo na kapag mabalahibo dahil allergic si Mr. Merell doon. Bawal din daw ang magdala ng jowa. Okay na okay lang naman din sa akin. Sino naman kasing dadalhin ko, e, wala nga akong jowa?
"Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?" Tanong niya nang matapos na siya.
"Opo, manang. No pets allowance inside. No boyfriend since birth. Walang pakialamanan ng gamit. Bantayang maigi si Chase. Okay po. Gets ko na po."
Nagkatinginan ang dalawa na parehong laglag ang panga. Bilib na bilib siguro itong mga ito sa akin.
Ha! No problem. Wala namang bago. Palagi namang bumibilib sa akin ang mga nakakausap ko, e.
Ihinatid nila ako sa kuwarto kung saan daw ako matutulog palagi. Sinabi rin nila na huwag akong basta-basta na lang papasok sa mga kuwarto rito kung walang pahintulot.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa sala para makapagsimula na. Habanh inililibot ko ang paningin ko sa buong mansion, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda nito. May mga gamit na ngayon ko pa lang nakita sa buong buhay ko. Ni hindi ko nga alam kung anong mga tawag doon, basta ang alam ko, mga gamit sila. Yun na yon!
Ang mga dingding ay gawa sa salamin kaya nakikita ang garden sa harap at ang swimming pool na katabi nito. Mula sa loob ay kita ang mga trabahador na abala sa kani-kanilang mga gawain. Maaayos din ang pagkakalatag ng mga gamit sa kung saan man ang mga ito nakalagay.
Habang abala sa pagpuna sa mga disenyo, nahagip ng tingin ko ang isang bata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Nakayuko ito at abala sa pagpindot sa kaniyang tablet.
Ngumiti ako at naglakad patungo roon. Umupo ako sa pang-isahang sofa na nakalatag sa harap niya.
"Hello. Ikaw siguro yung aalagaan ko 'no?" Panimula ko.
Natigil siya sa kaniyang ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin. Tumagilid ang kaniyang ulo at nagsalubong ang kaniyang mga kilay na tila na gulong gulo sa mga sinabi ko.
Hindi siya sumagot. Nanatili ang kanyang titig sa akin.
"Ako nga pala si Crestania Olivar Lopez. Tania na lang itawag mo sa akin kasi amo naman kita. Joke... yung tatay mo pala ang amo ko." Panis akong nagpakawala ng tawa. "Ilang taon ka na pala?"
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon.
"Ayaw mo ba akong kausapin? Pangit ba ako kaya ayaw mong magsalita?" Naguguluhan kong tanong.
Nakaawang na ngayon ang kaniyang bibig habanh nakatingin lang sa akin. Ano? Mukha ba akong hayop sa zoo para panoorin niya lang?
"What did you just say? I don't know what you are talkinh about..." sabi niya kaya ako naman ngayon ang natutop ang dila.
Patay tayo diyan.
Napabuntonghininga ako at pinatunog ang aking leeg. Iniangat ko ang aking dalawang kamay para iunat. Stretching muna natin mga buto natin dahil mukhang mapapasabak ako rito sa batang ito!
"You..." tinuro ko siya. Hirap ko pang nilunok ang bara sa aking lalamunan dahil hindi ko naman alam kung bakit ba kasi English pa ang gusto niya. Tanong ko na hindi sigurado kung tama ba ang pagkakabigkas ko. Dapat yata iba eh. How age are you?
"How...age are you?" Ayun! Nakuha mo, Tania! Napaka-galing!
"You mean, how old am I? I'm seven," sabi niya sabay balandra sa akin ng isang makapanindig balahibong ngisi.
"Alam mo? Nakakatakot 'yang ngisi mo." Tinanguan ko pa siya na parang kinukumbinsi na paniwalaan ang sinabi ko.
"What?" Tanong niya na naman.
Sinasabi ko na nga bang baka matuyuan pa ako ng utak kapag tuluyan ko pang kinausap ang batang ito eh.
Imbes na magsalita pa. Umiling nalang ako. "Me no English. No understand. Quiet." Iyon nalang ang nasabi ko.
Mananahimik na lang ako rito dahil hindi rin naman kami magkakaintindihan ng batang Englishero na ito.
Hindi na siya nagsalita ulit. Binalingan niya lang ang kanyang tablet na mukhang may nilalaro na kung ano. Dahil naglalaro naman siya ay sinamantala ko iyon para pumunta muna sa kuwarto ko para sa isang importanteng bagay. Tatae ako.
"You. Stay. Okay? Don't worry. Me comeback just...poop," putol putol kong sinabi sa kanya na tinanguan lang niya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Mukhang sa pakikipagusap lang ako mahihirapan sa batang ito dahil mabait naman.
Kumportableng-kumportable ako dahil first time kong makaranas na tumae sa isang mamahaling bahay. Dati kasi, sa ilog lang o kaya sa sukal kami tumatae ngayon, nagimprove na!
Pagkatapos ko sa ritwal ko sa banyo ay naghugas na ako at nagpasya nang lumabas.
Pinihit ko ang door handle ng pinto pero laking gulat ko nang hindi ko iyon mabuksan. Inulit ulit ko pa pero wala pa rin.
Bukas naman 'to kanina ah?! Sinong naglock?!
Kinalampag ko na iyon pero mukhang wala namang nakakarinig sa akin.
"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko pero mukhang nagsasayang lang ako ng laway dahil umabot na ako sa sampung minutong kasisigaw ay wala paring dumarating na rescue.
Sa kalagitnaan ng pagpilit ko sa pagbukas sa pinto ay napaatras pa ako nang may makita akong usok galing sa ilalim ng pinto.
Kinakabahan, mas lalo ko pang pinihit ang door knob. Naalala ko tuloy yung mga pinapanood naming teleserye!
"Tulungan niyo ako rito!" Sigaw ko ulit habang paakyat ang usok sa buong silid. Dumagundong ang puso ko dahil sa sobrang kaba at takot.
Ano 'to? Ito na ang katapusan ko?
Unang araw pa lang tustado na ako? Ito ba ang kapalit ng isang daang milyon?
Kung ito nga, ayaw ko na po!
Habang sinusubukang buksan ulit ay may narinig akong hagikhik mula sa labas.
"How are you doing there, Nanny?" Anang pamilyar na boses. Nanlalaki ang mga matang kinalampag mo muli ang pinto.
"Chase! Chase! Is you uhm...uhm...there? Open sesame—este door! Open!" Halos pagmamakaawa ako pero mas lalo lang lumakas ang hagikhik niya.
Bumibilis na ang paghinga ko dahil sa pumapasok na sa ilong ko ang usok. Napapaubo narin ako dahil doon. Sumisikip na ang dibdib ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa hapdi sa lalamunan ko at nanlalabo na rin ang aking mga mata.
Ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Ilang sandali lang din ay nawala na ako sa ulirat. Ang huli ko nalang na naalala ay ang mabilis na kilos ng mga tao sa labas para buksan ang pinto, pagkatapos ay dumilim na ang lahat sa paligid ko.