Chapter 1

1282 Words
Crestania's POV  Kapag talaga naka-a-angat ka sa buhay, marami ang gustong humila sa'yo pababa. Iyong mga taong nabubuhay na lang talaga sa inggit. Gagawin ang lahat para lang pabagsakin ka. Kahit humihinga ka lang naman, may nasasabi sila. Akala mo naaapakan sila pero hindi naman. "Hoy, pokpok!" sigaw ng isang halimbawa ng inggit na tao na namang kapit-bahay sa akin. Ang aga naman nitong mambuwisit? Napadaan lang ako, akala mo aso na kung makatahol. Lumikom muna ako ng maraming hangin sa dibdib ko habang nakapikit bago ako marahas na lumingon pabalik sa kinaroroonan niya para makaganti sa sinabi niya. Lintik lang talaga ang walang ganti, 'no?! Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya sa pagharap ko sa kaniya. Ano naman ang akala mo sa akin? Hahayaan kang laitin ako? No way, highway! "Ano'ng sinabi mo? Pokpok ako?" Pagsakay ko sa trip ng inggrata. "Oo pokpok ako! At least maganda. Eh ikaw? Ano bang niyayabang mo sa akin? 'Yang budhi mong kasing itim ng mukhang bulbol mong buhok?!" Umangat ang isang kilay ko sa kaniya habang mga kamay ay nasa aking bewang. Mukha siyang na-offend dahil sa sinabi ko. Tila ba hindi siya makapaniwala na sasabihin ko iyon sa kaniya. "A-anong sinabi mo?!" Mabilis ang hiningang tanong niya sa akin. Kumuyom ang kaniyang kamao habang nakakagat sa pang-ibabang labi niya. "Ano? Aangal ka pa?" hamon ko sa kaniya sabay taas ng kanang kamao para iamba sa mukha niya. Isang maling galaw, talagang patutulugin kita gamit ang kamao ko kahit pa tirik na tirik ang araw. "Akala mo naman kung sino ka. Palamunin ka palang, hoy! At least  nagtratrabaho ako at virgin. Kaya huwag mo akong yabangan diyang hinayupak ka! Gusto mong isampal ko sa'yo kung gaano kahaba ang listahan ng mga naging ex at nagparaos sa'yo?" Umabante ako at inambahan muli siya ng aking kamao dahilan ng pag-atras niya. Wala ka naman palang masabi, e! Hindi na siya muling nakapagsalita dahil sa pagkalaglag ng kaniyang panga. Dahan-dahan siyang umatras papasok sa kanilang bahay. "Ano? Halika rito. Akala ko ba matapang ka? Ngayon mo ako yabangan-" Naputol lang ang panghahamon ko nang marinig ang sigaw ni mama. "Tama na muna 'yang pakikipag-umbagan mo riyan, Tania! Tumatawag ang boss mo, kakausapin ka raw!" Tawag ni Mama mula sa bintana ng bahay namin na konting hangin na lang ay matatangay na. Muli kong nilingon ang kapit-bahay naming ngayon ay naging estatwa na. Puwede na yatang i-display sa museum 'to, e. Akala mo, ha? Pasalamat ka at tumawag ang boss ko, kung hindi... tustado ka sa aking imbyerna ka. Hindi ko talaga alam sa mga ito kung bakit  nila ako tinatawag na pokpok samantalang waitress lang naman ako roon sa bar. Ang kikitid ng mga utak. Kung makapanghusga akala mo ang lilinis. Iniwan ko siya roon at nagmadaling pumasok sa bahay para abutin kay mama iyong cellphone. "Hello, ma'am?" Bungad ko sa boss ko mula sa kabilang linya. Bahagya pang naghahabol ng hininga dahil sa kagagaling lang sa labas na sobrang init. "Crestania Olivar Lopez, napakasuwerte ko talaga sa'yo!" nakabibinging sigaw na bungad niya sa akin. Dahil doon ay napangiwi ako at bahagya pang inilayo ang sira sirang cellphone na hinuhulugan lang yata ni Mama sa kung sino rito sa mga kapit bahay namin sa iskwater. Pinindot ko ang tainga ko na sa tingin ko ay nabangag na dahil sa tili ng boss ko. Daig pa niya iyong kinakatay na baboy kung makasigaw. "Bakit po, ma'am?" tanong ko nang makabawi ulit. "Good news!" sigaw niyang muli saka tumawa kaya naman umangal na ako. "Ma'am, hinay hinay lang naman po, 'no? Tao lang ako, ma'am. Nababangag din sa sigaw," pasarkastiko kong sinabi para naman ma-realize niyang nakakabingi talaga siya. "Ay, sige sige. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa," boom kara-karaka. Idudugtong ko sana pero hindi ko na nagawa dahil baka ang good news niya pala ay maaalis na ako sa trabaho kaya shu-mat-the-f**k-up na lang ako. "Naaalala mo iyong pumunta rito noong nakaraang gabi?" panimula niya sa usapan. Ngayon ay kalmado na ang boses niya at hindi na pasigaw. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon. Akala ko ba hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa? "Alin doon, ma'am?" Ngumuso ako habang naghihintay ng sagot niya. Nagkatinginan pa kami ni Mama na mukhang abang na abang din sa ibabalita ng amo ko. "Si Mr. Merell? Iyong mabait na pogi? Yung ano... basta yung daks!" aniya na sinusubukang ipaalala sa akin kung sino ba ang tinutukoy niya. Noong una ay hindi ko pa maalala pero kalaunan ay pumasok din sa utak ko kung sino nga iyon. Isa lang naman kasi ang naaalala kong pogi sa lahat ng  customer, e! At saka... hindi siya kagaya ng mga mukhang addict naming mga customer. "Ay oo, ma'am. Bakit po? Anong meron?" napatingin ulit ako kay mama. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang hinihintay ulit ang sasabihin ni ma'am. "Kasi tumawag siya kanina at alam mo kung ano ang good news?" Pabitin pang tanong niya. Ano ba talaga? Sabi niya kanina, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa? Ba't ang tagal? "Siyempre ko pa alam, ma'am. Hindi niyo pa naman sinasabi pa'no ko malalaman?" Tumawa siya bago nagpatuloy. "Naghahanap daw kasi siya ng yaya ng anak niya. Nasabi ng kumare ko. Kung ako lang, gusto ko sanang ako na lang kasi sobrang laki ng suweldo kaso... hindi na ako pasado sa edad. E, naisip ko, kesa naman magtrabaho ka rito sa club bilang waitress, ni-recommend na lang kita," sabi niya. "Talaga, ma'am? Ang bait mo talaga, ma'am! Jusmiyo, hulog ka talaga ng langit!" Abot langit na yata ang talon ko dahil sa tuwa. Natigil lang nang sinita ako ni mama dahil baka raw magiba nang wala sa oras ang bahay namin. "So magkano raw ang sahod, ma'am?" "One hundred million." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabing iyon ng amo ko. Anong klaseng bata ba ang aalagaan ko? May sa-leon ba iyon? Prinsipe o alien? Bakit gan'on kalako ang sahod, besh? "Si ma'am talaga napaka-joker. Sino namang tungol ang magbabayad ng gan'on kalaki, ma'am?" Hilaw ang tawa ko nang tanungin ko iyon. "Si Mr. Merell," tugon niya. "Weh? Grabe ma'am. Lakas ng trip natin, a?" Kabado na ako ngayon kahit pa binibiro ko si ma'am. Paano ba naman kasi, one hundred million tapos magbabantay ka lang ng bata?! Pa'no daw 'yon?! "Hindi nga kita ine-echos, Tanyang. Kung ayaw mong maniwala, ibibigay ko na lang sa ib--" "Hep hep! I-Ikaw naman, ma'am. Hindi ka na talaga mabiro..." "Mukha kasing ayaw mo. At saka huwag kang mag-alala. Legit naman 'yon. Mas legit pa sa jowa mo." Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. "Ha? Paano 'yan, e wala akong jowa? So ibig sabihin hindi legit?" Umarko ang isa kong kilay. "Tanggapin mo na lang kasi. Ang dami pang sinasabi, e. Isipin mo na lang, isang daang milyon. Magbabantay ka lang ng bata, may milyones ka na. Makakapag-travel na kayo, makakaalis na kayo sa bahay niyong isang ubo na lang, giba na. Easy lang naman, Tania!" Napalunok ako. Lahat ng sinabi niya ay mga pangarap ko kasama ang pamilya ko. Kung tatanggapin ko ang offer niya, matutupad ko nga iyon. Tinitigan ko ang mga kapatid ko at si mama na nag-aabang lang na nakatingin sa akin habang pinapadede si Junjun. Gagawin ko ito para sa aking pamilya. Kung kailangan kong maghirap, ayos lang basta hindi sila kasama sa hirap na iyon. Huminga ako nang malalim at mabilis na nagpasya. Tumango ako sabay sabing, " Sige, ma'am. Tatanggapin ko po." May pinalidad kong sinabi. "'Yon naman pala! Thank you, Tania! Akala ko hindi mo tatanggapin. Pinakaba mo ako, a? Salamat talaga! Naka-oo na rin kasi ako, e. Sige. Bye!" Masigla niyang sinabi bago ako binabaan ng telepono. A-Ano raw?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD