Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Gusto kong makausap ang bisita mo,” sambit ni Hyun nang tanungin siya ni Hyuna kung ano ang sadya nito sa tahanan ng kapatid. “Sinong bisita?” tanong naman ni Hyuna. “Ang adventurer na si Luna Nueva.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalang iyon. Shit! Nakahalata na ba siya? Alam na ba niyang ako si Luna Nueva na siyang ipinapatay nya noon? Alam ba niyang na-reincarnate ako sa mundong tunay niyang kinabibilangan at ngayon ay nasa loob ng katawan ng isang prinsesa? Alam na ba niya? “Anong kailangan mo sa kanya?” “May mga tanong lang ako na gusto kong malinawan,” sabi nit. “Hindi mo naman siguro siya ipagkakait sa akin, hindi ba?” “Masyado nang malalim ang gabi, Hyun.” naiiling na sabi ni

