Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Malakas ang t***k ng puso ko habang naglalakad ako papunta sa palace garden ng Topaz Kingdom. Tulad kasi ng napag-usapan namin ni Hyuna ay makikipagkita ako kay Hyun dahil sa hiling nito. Pero inihanda namin ang lahat ng sa gayon ay hindi malalaman ng lalaking iyon na ang gumagamit ng dati kong pangalan ay ang kasalukuyang prinsesa at tagapagmana ng Diamond Kingdom. Ang paliwanag din kasi ni Hyuna, kahit itanggi ko na hindi ako ang Luna Nueva na kilala niya sa earth ay posibleng hindi siya maniwala kapag nakita niyang ako si Sin Crisiente. At dahil iyon sa kaalaman ng mga naninirahan dito tungkol sa mga Luna del cacciatore. Alam niyang may mga kaluluwa na galing sa earth ang kinukuha ng kanilang diyos upang ilagay sa k

