Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Tila wala ako sa sarili matapos ang pag-uusap namin ni Hyun kanina. Halos hindi ko nga napansin na nakabalik na pala ako sa mansion ni Hyuna kasama siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din maproseso ng utak ko ang mga narinig ko mula kay Hyun. Kung hindi pa nga niyugyog ni Hyuna ang mga balikat ko ay hindi ako matatauhan at hindi ko mapapansin na nawala na din ang epekto ng mahika na siyang nagbabago ng itsura ko. “W-what happened?” “You froze after all the things that you heard from my brother,” she said. “Right.” Napasapo ako ng noo. “He said something about Alice. Sinabi niyang sinadya niya ang pagpatay sa akin nang sa gayon ay madala niya ako sa mundong ito. Sinabi niya na katulong niya si Alice upang man

