Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Eh?” Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa adventurer’s license ko. “Seryoso ba ito?” Nakangiting tumango si Saila. “Ang nangyari sa tarangkahan ay nagbigay sa inyong dalawa ng isang libong points kaya naman agad kayong nag-level up at naging level 8 na.” Hindi ako makapaniwala. We just did what we need that time dahil kaibigan ni Alicia ang mga black lions na iyon pero hindi ko inaasahan na may nakapatong na quest doon. “Maliban pa doon, dahil sa nagawa niyong matalo ang kalaban at mapaamo ang mga black lions ay nadagdagan pa kayo ng points na siyang sapat upang umangat kayo ng level 10.” dagdag pa ni Saila. “Ibig sabihin ay maaari na kaming kumuha ng job title?” tanong ni Alicia. “Yes.” sagot nito. “So?

