“Hindi mo alam kung kanino nanggaling ang palasong sumabog sa mukha ni Carrion?” hindi makapaniwalang tanong ko sa tauhan kong ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Pumalpak lang naman kasi ang plano namin at hindi man lang namin nakitang lumaban ang prinsesa na siyang pinaka-goal ng nangyaring pag-atake sa kaharian nila. At nang malaman ko kung ano ang eksaktong nangyari doon ay hindi man lang nila ito maikwento sa akin ng maayos. Lalo sa sa pinanggalingan ng palasong siyang tumapos sa plano namin at naging dahilan kung bakit hindi nakatakas si Carrion na ngayon ay hawak na ng mga adventurer. “Pa-patawarin mo ako, mahal na reyna.” mahina niyang sabi at dahan-dahang bumangon pagkuwa’y lumuhod. “Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nakita kung saan nanggaling ang pala

