Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Napadilat ako nang aking mga mata nang marinig boses ni Alicia na palapit na sa kinalalagyan ko. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa pag-iisip at ngayon ko lang na-realize na sa panaginip ko lang lumilitaw ang lalaking nakakaalam ng tunay na pagkatao ko bilang Luna Nueva na isang dating naninirahan sa Earth. Ginulo ko nalang ang buhok ko at inis na tumayo. Kung sinuman ang lalaking iyon, sisiguraduhin kong sa susunod na lumitaw siya sa panaginip ko ay mapipilitan na siyang magpakilala. Muntik na akong mahulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa alaala ko dahil sa mga kalokohan niya at hindi naman niya ibinigay sa akin ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Tsk. “Anong nangyari?” kunot noong tanong n

