Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Agad na umalis si Alicia upang i-turnover ang quest na aming natapos habang sina Soren at Chien naman ay pumunta din sa Ruwan Rai guild office na nasa Rocky Village upang i-on hold naman ang kanilang quest. Sila na din ang sasama kay Alicia upang kontakin ang palasyo at ipaalam ang sitwasyon dito dahil hindi din namin alam kung sino ba ang nasa likod ng mga pangyayaring ito. At ako? Naiwan ako dito kasama ang mga minerong tahimik lang na nakaupo sa loob ng barrier. Hindi sila nagsasalita at mukhang wala ding planong makipagkwentuhan sa akin. Siguro ay nag-iingat lang din sila na may mabanggit na kahit anong impormasyon na posibleng maglagay sa kanila sa panganib. At naiintindihan ko naman iyon kaya tahimik lang din

