Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Patuloy sa pagwawala si Gracia, ang unang minero na nagising sa mga iniligtas namin at patuloy pa din siyang nagpipilit na lumayo kami sa kanya at ibalik namin sila sa loob ng minahan. Na syempre ay hindi namin maaaring gawin. Kaya para sa ikapapanatag ng kanyang loob ay binalot nalang namin sila ng isang barrier kung saan walang sinuman ang pwedeng makapasok o makalabas. Kumalma na siya pagkatapos kong gawin iyon at maliban pa doon ay humiling din siya sa akin na salain ang hangin na lalabas sa barrier upang masiguro na hindi iyon makakasama sa sinumang malapit sa barrier. Naguguluhan man ay agad ko iyong ginawa. Kasi naman, sobrang histerikal siya kanina at talagang muntik pa kaming magkasakitan dahil sa pagp

