Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Tapos na naman ang sadya namin dito sa Topaz Kingdom kaya nang sumikat ang araw ay agad ko nang inaya si Alicia na umalis sa lugar na ito at bumalik na sa Diamond Kingdom nang sa gayon ay makakuha na kami ng panibagong quest. Isinama ko na din sina Soren at Chien habang iniwan ko si Kronen dito dahil ayoko munang makasama ang mga miyembro ng Full moon council. Ayaw pa nga sana kaming paalisin ni Hyuna dahil gusto pa niya akong makausap pero nagpilit na ako at sinabi sa kanya na hindi pa ako handang harapin ang sinasabi nilang responsibilidad ko. Wala din naman silang karapatang ipilit sa akin iyon dahil hindi ako ang tunay na Sina. At siguro ay dala na din ng kanyang pagiging desperada sa tulong ko ay nagawa niya a

