Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Ramdam ko ang pinaghalong lungkot at pagod nang makauwi ako ng palasyo. At dahil wala ako sa mood ay naisipan kong sa tower na lamang muna manatili dahil dito lang naman ako nakasisiguro na matatahimik ang buhay ko. Ayoko na ding abalahin pa ang mga nasa main building dahil masyado na ding malalim ang gabi. Ilang oras na din ang nakaraan nang tuluyang mamaalam ang pitong minero na pinasok ng mga monster ang katawan. Nakaligtaan na nga namin sila dahil isa-isa na din silang bumagsak at nawalan ng malay nang huli namin silang tingnan. At muli na lang namin silang binalikan nang makarinig na kami ng mahihinang ungol. At iyon na ang simula nang paglabas ng mga gastly sa kanilang katawan. Agad namin inihanda ang mga

