Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Oh, well.” Bumuntong hininga ako nang marinig ang boses ni Klarin. At sa tono ng boses niyang iyon, nasisiguro kong hindi maganda ang dahilan kaya niya niya kinuha ang atensyon ko. Wala na sana akong planong pansinin siya ngunit nakaramdam ako ng pamilyar na aura kaya agad akong bumaling sa pinanggagalingan noon. At nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha na siyang katabi ni Klarin at nakaangkla pa ang kamay nito sa braso ng lalaki. “W-what the--” “Bakit parang nakakita ka ng multo?” nakangising tanong ni Klarin at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ng lalaking katabi. “Kilala mo ba itong kasama ko?” Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa lalaking iyon dahil s

