Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “You will get engaged with each other and the official party will be on the full moon.” Iyan ang pinal sa sambit ng hari matapos niya kaming paalisin sa library kahit hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang i-announce niya ang kasunduan ng dalawang kaharian na ipakasal kami. Alam kong normal ang ganoong proseso sa ganitong klaseng sistema ng isang bansa o kaharian. Na ang mga magulang ang nagdedesisyon sa kung sino ang mapapangasawa ng kanilang anak at kailan ito magpapakasal sa lalaking kanilang mapipili. Pero sana naman ay binigyan muna nila ako ng konsiderasyon lalo na’t isang buwan pa nga lang mula nang magising ako sa mundong ito. Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka ibinagsak ang sarili sa damuhan. Nandito

