Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess) Ang sabi ni Sage ay bukas pa sila makakarating ng mga backup party na aming ni-request sa Ruwan Rai guild. Kaya bukas pa rin talaga kami makakapagsimula ng pag-iimbestiga sa loob ng pasilidad na ito. And I guess, that will be fine dahil nagsisimula palang din naman akong i-prepare ang mga spell na ginagawa ko upang masiguro na makakalabas kami ng buhay sa lugar na ito at hindi namin madadala ang sumpang dala nito. "Oy," tawag sa akin ni Kronen kaya bumaling ako sa kanya. "Kumain ka kaya muna." At doon ko lang napansin na malamig na pala ang soup na inihain niya para sa akin. "Alam kong nag-aalala ka sa mga posibleng mangyari kapag pumasok na tayo sa pasilidad na ito kaya grabe ang paghahandang ginagawa mo," aniya. "Pero hindi na

