Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Isang ancient ruins ang bumungad sa amin nang tuluyan naming marating ang pinakatutok ng Mt. Sari. At tulad ng sinasabi ng mga naninirahan sa Kiru Village ay masyado itong malaki kaya talagang hindi namin kakayanin ni Kronen na imbestigahan ang kabuuan nito nang kaming dalawa lang sa loob ng maikling panahon. Kailangan na din kasi naming magmadali bago pa magkaroon ng panibagong biktima ang mangkukulam na siyang tumutupok sa mga bahay sa Kiru Village. Nababahala na din ako na baka sa mga susunod na pagkakataon ay may madamay ng mga mamamayan ng village dahil ang kwento sa amin ng village chief ay lumalaki ang apoy na tumutupok sa mga bahay habang lumilipas ang mga araw. “What do you think?” tanong sa akin ni Kronen ng simulan nam

