Magkasama kami ni Fritzie at ng ilan kong mga kaklaseng babae sa isang cabin na mayroong apat na double deck. Pumwesto naman kami ni Fritzie sa isang double deck na malapit sa bintana para kita raw namin ang labas kapag gabi. "Ako sa itaas!" Nagmamadali siyang umakyat doon kahit wala naman talaga akong balak na agawin 'yong puwesto na 'yon sa kaniya. "Blair," tawag sa akin ng kaklase kong si Bea habang nakaupo siya sa double deck na malapit sa amin. "Ilang taon na 'yong kapatid ni Rhaven?" Si Raziel? Kumunot ang noo ko. Why is she asking? "Thirteen. Why?" Natawa siya at tinawag 'yong kaibigan niyang si Crizelda. "Thirteen lang daw." "What? Sayang," ani Crizelda na parang may balak siyang gawin kung hindi lang thirteen years old si Raziel. "Hoy, kayo!" pabirong sigaw ni Fritzie na ina

