The next day, nanalo kami sa last na activity which is relay games. Akala ko hindi seseryosohin ni Raziel 'yong laro pero napansin kong focus na focus siya habang sinusubukang manalo. "Is your arm okay?" tanong ko sa kaniya nang pinagpahinga na kami dahil after two hours daw ay babyahe na kami pauwi. Uminom siya sa hawak niyang bote. "It's fine. Don't mind it." Natatakpan ng manggas ng t-shirt ang pilay niya pero mapapansin mong kulay violet 'yon. Hindi ko maiwasang mag-alala. Kagabi, hindi ako nakatulog nang maayos dahil iniisip ko pa rin 'yong braso niya. Kahit papaano ay kasalanan ko rin kung bakit nangyari 'yon. I should've stop him from doing something careless. "Nag-aalala ako," sabi ko. Tinitigan niya ako na para bang binabasa na naman niya 'yong iniisip ko. "If you really fe

