"So, you're playing piano?" "So, you get jealous whenever Abby and Kuya are together?" Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Yeah, I play piano." "Alam mo, okay ka naman sana kung hindi ganiyan 'yong pag-uugali mo," kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Like, guwapo ka! You play piano--" "Wait, wait. So you think I'm handsome?" Ngumisi siya nang nakaloloko. Sinimangutan ko siya, may problema ba sa sinabi ko? "Oo at ano naman?" nagtataka kong tanong kasi hindi ko alam na gagawin niya pa lang big deal 'yong sinabi ko. "So, find me attractive?" His questions become weirder and weirder. Inilayo ko ang mukha niya at umiling. "But according to you, I'm handsome, I can play piano, and I'm fine." Kung wala lang talaga si Rhaven sa bahay nila, iniwan ko na 't

