Monday came. Foundation day na ng San Fridel University. Tuwing ganitong may event ay sinusuot ko ang uniform namin sa club kaya naman alam kaagad ni Mommy na may event nang makita niya akong lumabas sa kuwarto.
"Are you leaving now, anak?"
"Yes, Mommy. Sasabay po ako kila Rhaven." I kissed her cheek. Sakto namang lumabas si Daddy kaya nagpaalam na rin ako sa kaniya.
"Lalong gumaganda ang anak ko, a. Ikaw ba nagbo-boyfriend na?" Pang-aasar ni Daddy. "Kung si Rhaven, ayos lang. Pero masyado pa kayong bata."
"Dad!" singhal ko. Nagtawanan naman sila ni Mommy dahil sa reaksyon ko.
"Huwag po kayong mag-alala, Tito. Babantayan ko po 'yang anak niyo." Sabay-sabay kaming napalingon nang biglang magsalita si Rhaven. Nanlaki ang mata ko. Narinig niya 'yon?
"Mabuti naman. Make sure no one touches our princess." Niyakap ako ni Dad. I closed my eyes out of shame. Nakakahiya na pati sila Dad ay inaasar na rin ako kay Rhaven.
"Bye po, Tita, Tito." Kumaway si Rhaven at bumaba na kami. Kinuha naman niya kaagad 'yong dala kong bag at naglakad na kami papunta sa kotse.
"Hindi ba't kailangan mas maaga ka sa school ngayon?" tanong ko habang naglalakad kami. He's the President of the Student Council, siya ang pinaka-busy ngayong araw dahil ang dami niyang dapat asikasuhin lalo pa't napakaraming booths na itatayo sa campus.
"It's okay. I can take it easy since Abby is there already." Abby. Palagi ko na lang naririnig ang pangalan na 'yon sa kaniya. I guess he really took a liking to her.
Pagkarating namin sa sasakyan ay nakaupo sa backseat si Raziel. He's wearing a headset and he didn't bother to glance at me. Mabuti na rin 'yon. Kapag naaalala ko ang huli naming pag-uusap ay hindi ko maiwasang mapaisip.
Anong ibig niyang sabihin na kung ano ang nararamdaman ko kay Rhaven ay ganoon din ang nararamdaman niya sa akin? I'm not that dense to not understand what he really means, pero bakit? He's too young. Hindi niya pa alam kung ano 'yong difference between admiration and really liking someone. And if he really admires me, why is he acting as if he hates me? I don't get him. Mas mahirap pa siyang basahin kaysa kay Rhaven.
"We're here." Lumabas kaagad si Rhaven at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas na rin si Raziel at sabay-sabay kaming naglakad papasok ng campus.
Sa labas pa lang, marami nang estudyanteng nagkukumpulan at nagkukuwentuhan kung saang booth ba sila pupunta.
"Rhaven, sasamahan mo ba ako mamaya pumunta sa mga boo--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang lumitaw si Abby sa harap namin.
"Rhaven! Buti nakita kita kaagad. I'm having trouble doing something." Her voice sounded so frustrated. Naikuyom ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'to pero naiinis ako. Why does she have to appear now?
"Sige, susunod ako--"
"But I need you now! Tara na." Hinawakan niya ang kamay ni Rhaven na napalingon sa akin. Kaagad kong binago ang inis na ekspresyon sa mukha ko.
"Blair, okay lang ba na mauna na ako?"
Ngumiti ako nang pilit. "Oo naman. Go do your thing." Naglakad na sila paalis at naiwan kaming dalawa ni Raziel. Ramdam ko ang titig niya sa akin at alam ko kung bakit niya ako tinititigan nang ganoon.
"You're jealous--"
"No, I'm not!" Iniwan ko siya roon at naglakad na ako paalis. Dumiretso kaagad ako sa club room namin dahil wala namang klase at sigurado akong busy na sila kakaplano kung sino ang kukuha ng pictures at magco-compile ng mga 'yon.
"Blair!" sigaw ni Jelay na mukhang kanina pa ako hinihintay. "Samahan mo si Aaron na maglibot mamaya sa mga boothsat kumuha kayo ng pictures for our video presentation later, okay?"
Tumango naman ako. Lumabas si Aaron mula sa kuwarto at may dala na siyang camera. "Tara na?"
"Sige, lalapag ko muna 'tong bag ko." Mabilis kong iniwan ang gamit ko sa loob ng room at umalis na kami kaagad ni Aaron. Ang iba naming club members ay sa mga booth organizers kumukuha ng pictures for documentation. Habang si Jelay naman ay mag-i-interview ng teachers and officers about the anticipated foundation day.
Pagkarating namin ni Aaron sa quadrangle ay napakarami ng tao. Mayroon ding mga booths na nakatayo na like the horror booth, jail booth, the wedding booth, and some food stalls na puwedeng bilhan ng pagkain bukod sa cafeteria.
"Mukhang pinaghandaan ang Foundation Day ngayong taon kaysa ng nga nakaraang taon," sabi ni Aaron habang kumukuha kaming dalawa ng pictures.
"Yeah, I think so. Rhaven did his best to request the budget for this. Kaya ito na ang resulta ng pinaghirapan niya." Napangiti ako. Rhaven really is a good President. Walang patapon na projects. Lahat ay sinisigurado niyang magkakaroon ng benepisyo ang mga estudyante at ang paaralan.
"Alam mo, kapag ganiyan ka, iisipin talaga nilang may gusto ka sa best friend mo." Pagbibiro ni Aaron pero natahimik ako. Is it really that obvious? "Maghiwalay tayo, Blair. Para marami tayong makuhanan. Ikaw na lang sa wedding booth at jail booth. Ako na sa horror booth at sa videoke booth."
Naghiwalay na kami at nagsimula ako sa wedding booth. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko 'yong mga estudyanteng kinakasal kunwari sa mga crushes nila. I took pictures of them.
"Blair!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at doon ko nakita si Fritzie. Kumaway siya sa akin at nagtatakbo papunta sa kinatatayuan ko. "Kanina pa kita hinahanap!"
"Huh? Bakit--" Napanganga ako nang iposas niya ang isang kamay ko. "Fritzie, ano ka ba? Exempted ako sa jail booth kasi kumukuha ako ng pictures!"
Nakalimutan kong ang section pala namin ang may handle sa jail booth. Kahit sinabi ko na 'yon ay parang wala siyang balak na pakawalan ako.
"Sorry, napag-utusan lang!" Hinila niya ako kaya sumunod na lang ako sa kaniya.
"At sino naman ang nag-utos sa 'yo, aber?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"I did." Natahimik ako nang iposas ni Raziel ang sarili niya gamit ang kabilang side ng posas. Now his right hand and my left hand are stuck.
"Sorry, Blair. Kapalit nito, ikakasal ako mamaya kay Aaron sa jail booth." Nagtatakbo si Fritzie palayo at iniwan ako roong nakatulala. Really?! Pinagpalit niya ako kay Aaron?!
Napakamot ako sa ulo ko. Raziel, alam mo kasi exempted ako sa jail booth. Isa pa, kukuha ako ng pictures for my club, remember?" Itinaas ko pa ang DSLR camera ko pero parang wala siyang naririnig. He remained expressionless.
"Then, remove it yourself." Nagkibit-balikat siya. s**t. Nakalimutan kong hingin kay Fritzie 'yong susi ng posas. Napabuntong-hininga ako. Kapag hinanap ko pa siya, baka mawalan ako ng oras kumuha ng pictures.
Napapalingon ang ibang estudyante sa amin dahil nakaposas kami. Napa-face palm ako. "Let's go."
Naglakad kami at kada kumukuha ako ng picture, inaangat niya rin ang kamay niya. "Why are you taking pictures instead of enjoying the day?"
I raised my brow. "Because I need to do my task first."
He smirked. "Really? Or is it because you're waiting for Kuya?" Napatingin ako sa kaniya. Why does he keep on talking like he knows me too well? Na parang basang-basa niya 'yong iniisip ko, pero siya hindi ko man lang mabasa.
"Tuwing Foundation day, magkasama kaming pumupunta sa booths," sabi ko kaya natahimik siya. I was expecting for Rhaven to text me. Pero umabot na ng two o'clock ng hapon pero wala pa rin akong nare-receive na text mula sa kaniya.
Nakaupo na kami ni Raziel sa bench malapit sa quadrangle dahil tapos na akong mag-picture. I sighed. Bakit ko ba kasi hinihintay 'yong text niya? I know he's busy. Siya kaya ang nagha-handle ng event na 'to.
Napaigtad ako nang tumayo bigla si Raziel. "Let's go."
"S-Saan?" nagtatakang tanong ko. Hinila niya ang braso niya kaya napatayo rin ako.
"Let's try the booths." Bago pa ako makasagot ay naglakad na siya kaya nagpatianod na lang ako. Una naming pinuntahan ay 'yong photo booth. Mayroong mini-tent na kasya ang isa o hanggang tatlong tao sa loob. Hinila niya ako papasok doon sa loob at umupo kami sa upuan.
"Maghulog ka na ng coin doon." Itinuro ko 'yong lulusutan ng coin para makakuha kami ng picture.
"I don't have coins." Nagkibit-balikat siya kaya napabuntong-hininga na lang ako. Mabuti na lang at dala ko 'yong wallet ko. Inilusot ko na 'yong coin at nag-set ako ng timer.
"Smile," sabi ko pero pilit lang siyang ngumiti mula sa reflection sa salamin na nasa harap namin. Kaya nilingon ko siya at hinawakan ko ang dalawang pisngi niya. Sabay ko 'yong hinila at lumabas ang ngipin niya kaya natawa ako, pero biglang nag-click ang camera. "Isa pa."
Tumingin na ako sa camera at ngumiti. Nang matapos ay hinintay namin sa labas na maprint ang picture namin. Ilang minuto lang ay binigay na ng babaeng bantay ang picture namin. Tig-isa kami ng copy.
Tiningnan ko 'yon at natigilan ako. Sa unang picture ay nakatingin kami sa isa't isa habang nakangiti ako at siya naman ay pilitlang ang ngiti dahil sa paghawak ko sa pisngi niya. Sa pangalawang picture naman, nakatingin ako sa camera pero siya, nakatitig lang sa akin.
"Let's go." Hinila na naman niya ako at dinala niya ako sa horror booth.
"Ayaw ko riyan. Sa iba na lang." Honestly, ito ang booth na wala talaga akong balak puntahan. Pero parang wala siyang narinig dahil hinila niya ako at pumila kami. "Raziel, ayaw ko rito."
"Don't worry. You're with me." Napailing na lang ako at wala na akong nagawa nang pinapasok na kami. Pagkapasok namin ay napakadilim. Now I'm thankful na nakaposas kami dahil hindi kami magkakahiwalay.
Napasigaw ako nang biglang may lumitaw sa tabi kong white lady. Napakapit ako sa damit ni Raziel pero kaagad naman akong napabitaw nang tumawa siya. "Anong nakakatawa?"
"The fact that I'm younger than you but you're acting like you're the younger one." Napasimangot ako nag tumawa pa siya. "Honestly, this is not that scary. I don't even feel like I'm inside a horror booth."
"Then why are you holding my hand so tight?" tanong ko. Kanina pa kasi niya hinihigpitan 'yong hawak sa kamay ko na para bang mawawala ako.
"Because you're shaking." Doon ko lang na-realize na kumalma nga ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Pagkalabas namin sa horror booth ay pawis na pawis ako. "We should head back. Baka hinahanap ka na ni Kuya."
Tumango na lang ako dahil hindi na ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwalang napilit niya akong pumasok sa horror booth na kahit si Rhaven ay hindi ako mapilit.
Naglakad kami papunta sa club room at bago pa kami makarating doon ay nakita ko na si Rhaven mula sa malayo. Nakatayo siya na parang may hinihintay. Pagkalingon niya sa amin ay kumunot ang noo niya.
"Hindi mo ba nabasa 'yong text ko?" bungad na tanong niya sa akin. Kinuha ko naman ang phone ko at nang i-check ko 'yon ay tadtad ako ng text galing sa kaniya.
"Sorry, naka-silent kasi 'yong phone ko."
"Nevermind that. Bakit pawis na pawis ka? Atsaka, bakit kayo nakaposas?" sunod-sunod na tanong niya. Nagkatitigan sila ni Raziel.
"We tried the horror booth and the photo booth together. And about this, her friend cuffed us together." Tukoy niya kay Fritzie.
"Oo nga pala, kukuhanin ko na sa kaniya 'yong susi--"
"No need." Napanganga ako nang ilabas ni Raziel 'yong susi sa bulsa niya at tinanggal ang pagkakaposas naming dalawa.
"Sabi mo wala sa 'yo 'yong susi." All this time, nasa kaniya 'yong susi? I bit my lips in annoyance.
"I said to remove it yourself, but I didn't say that I don't have the key." Nagkibit-balikat siya at tumawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya habang naglalakad siya paalis. "Thanks for today, Blair! I had fun." He blinked then walked away.
"I was waiting for you, pero mukhang nasayang lang 'yong paghihintay ko." Rhaven's voice sounded so disappointed. Gusto kong suntukin 'yong sarili ko sa inis.
"Rhaven, sorry--"
He walked away and left me there. Hinampas ko ang noo ko at palihim na napamura. I hate you, Raziel!