Kabanata 6

1731 Words
Lumipas ang thursday and friday na wala akong ibang ginawa kung hindi ang i-babysit si Raziel. Kapag nagkasasabay kami ng break time, sumasama siya sa pagtambay namin ni Fritzie sa library. Akala ko magagalit si Fritzie pero tuwang-tuwa pa siya na sumasama sa amin si Raziel. I asked her why pero ang sagot niya lang, "Ang pogi kasi niya. Refreshing sa mata." Ang babaeng 'yon, kahinaan talaga ang mga guwapo. Tuwing lunch break naman ay sumasama siya sa amin ni Rhaven na kumain sa quadrangle. Pinapagalitan siya ni Rhaven kasi wala pa rin siyang kaibigan kahit ilang araw na ang lumipas, at ako pa rin ang kinukulit niya. "Is my brother a nuisance to you?" tanong ni Rhaven habang nagte-take down notes ako. It's saturday. Tuwing sabado ay pumupunta ako kila Rhaven para sabay kaming mag-advance studying. Kailangan niya rin kasi 'yon dahil kinukuha siyang student teacher. Nakaupo kami sa harap ng study table niya pero panay ang sulyap sa akin ni Rhaven. "Hindi. Ang cute nga, e. Kasi naalala ko dati, ganoon ka rin." Nagtawanan kami. Dati, si Rhaven lang ang buntot nang buntot sa akin, pero ngayon, ang kapatid na niya. Raziel reminds me a lot of Rhaven when we were just kids. Kaya rin siguro hinahayaan ko siya na sumusunod sa akin. "How will you feel if I dated Abby?" Nalaglag ko ang ballpen na hawak ko dahil sa biglaang tanong ni Rhaven. Napalingon ako sa kaniya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. How will I feel? Magagalit ba ako? Maiinis? O mas tamang tanggapin ko na lang dahil 'yon ang dapat? 'Yon ang dapat, but why do I feel like Abby is stealing Rhaven away from me? Para akong batang inaagawan ng laruan. "O-Okay lang. Basta alam mo na ang ginagawa mo--" "Be honest." Mas lalo pang sumeryoso ang mukha ni Rhaven. Na para bang hindi siya satisfied sa sinabi ko. Inilagay niya ang braso niya sa sandalan ng inuupuan ko. "Will you get jealous?" I pursed my lips. "S-Selos? Bakit naman ako magseselos?!" I laughed. Yeah, this is the right thing to do. Every choice Rhaven makes is up to him. I'll always support him, even if it means, I'll lose my chance. "Maganda si Abby, guwapo ka. Matalino siya, ganoon ka rin. Bagay kayo." Parang gusto kong kainin lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam kumg bakit kami napunta sa usapan na 'to, pero ang alam ko lang? Ito 'yong usapan na gusto kong iwasan. Kasi ayaw kong marinig mula sa kaniya na gusto niya si Abby. "I'm just asking." Nagkibit-balikat siya at bumalik na ulit kami sa ginagawa namin. Pero 'yong isip ko, nandoon pa rin sa tinanong niya. Jealous? Oo, magseselos ako. But that doesn't mean I'll stop him. Masochist? No. Because in the back of my mind, I'm wishing Abby to turn him down. Damn it. "Kuya!" Narinig namin ang boses ni Raziel mula sa labas ng kuwarto. Pumasok siya at napatingin siya sa akin, pagkatapos ay ngumiti. He's wearing a jersey for basketball. May hawak din siyang bola. "I thought we're playing with Carlo and the others?" Nagkatinginan kami ni Rhaven. "s**t, nakalimutan ko." Tumayo siya kaagad at lumapit sa closet niya. "Blair, ayos lang ba na bukas na lang tayo mag-study?" I shook my head. "Sama ako." Okay na rin 'to. Para ma-release ang awkwardness sa paligid namin ni Rhaven. Nagpunta kami sa basketball court ng village nila. Nandoon na si Carlo, Miguel, and Manuel. Their cousin. "Three versus two? Kampi kami ni Raziel," masayang sabi ni Rhaven. Umupo naman ako sa bench. Walang tao bukod sa amin sa basketball court kaya roon na ako sa malapit sa kanila umupo. "Blair, panoorin mo kaming maglaro, a? Panis sa amin 'tong dalawang 'to," sabi ni Carlo sa akin. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Carlo ang pinaka-approachable. Si Miguel naman ang introvert type na kailangan pang pilitin para maglaro ng basketball kaya nakasimangot siya. While Manuel on the other hand is ka-vibes ni Rhaven. Kaya silang dalawa ang palaging magkasama. Inilagay nila ang tumbler nila sa tabi ko at nagsimula na silang maglaro. Habang ako, pinapanood lang sila. "Kuya!" sigaw ni Raziel, hudyat na gusto niyang ipasa sa kaniya ang bola, na kaagad namang ipinasa sa kaniya ni Rhaven. Pagkatira niya ng tres ay pumasok 'yon kaya nag-fist bump sila ni Rhaven. Hindi ko maiwasang mapangiti. They really are close. Minsan kapag nakikita ko sila, hinihiling ko na sana may kapatid din ako. Naglaro pa sila nang naglaro hanggang sa matapos sila. Nanalo si Rhaven at Raziel kaya asar talo sila Carlo. "Blair, bakit ka tumatawa? Pinagpalit mo na ba ako kay Rhaven?" pagbibiro ni Carlo. Palagi niya akong binibiro nang ganito kaya nasanay na rin ako. "Ewan ko sa 'yo." Inihagis ko sa kaniya ang pamunas niya. Inabutan ko naman kaagad si Rhaven ng tubig na kinuha naman niya. Napalingon ako kay Raziel na umupo sa tabi ko. Tahimik lang siya at nagpupunas ng pawis. "Okay ka lang?" "Yeah,"masungit niyang sabi pagkatapos ay naglakad palayo. Grabe talaga ang mood swing. Mas malala pa sa akin. Nagsimula ulit silang maglaro at nag-switch naman ng team. Si Manuel at Rhaven naman ang magkakampi. They were laughing when a group of boys entered the court. Mukhang may balak din silang maglaro, pero doon sila pumwesto sa kabilang banda ng court. "Pasa rito!" sigaw ni Carlo pagkatapos ay sinubukang mag-shoot pero hindi pumasok. Kinuha 'yong chance ni Rhaven at kinuha niya ang bola. Then he dunked, na-shoot. "Sus, bano!" sigaw ng isa sa mga lalaki na halata namang gusto ng away. Mukhang mas matanda sila sa amin. They look like they're eighteen years old or older. "Huwag niyo na lang pansinin, " sabi ko pero nagulat ako nang lumapit ang dalawang lalaki sa akin. "Hi, Miss. Anong pangalan mo?" tanong sa akin ng isa na nakasuot ng red jersey. Sa mukha pa lang niya, mukhang babaero kahit hindi naman kaguwapuhan. "Pare, hindi ka pinansin." Inasar siya ng kasama niyang naka-blue jersey naman. "Hey, back off." Rhaven stood in front of me to cover me from them. Nilapitan naman ako ni Carlo na may dalawang sweatshirt pagkatapos ay ipinatong 'yon sa hita ko. I'm wearing a denim short pero hindi naman 'yon ganoon kaikli. Hindi ko maiwasang mapangiti. They're overprotective with me. Ang suwerte ng magiging girlfriend nila. "Bakit? Girlfriend mo ba 'yan?" mayabang na tanong ng naka-red jersey. "No." Sumingit si Raziel sa usapan na halatang galit. "But if you lay your hands on her, I'm going to smack your face--" Inawat siya ni Miguel na halatang badtrip din. "Kung ayaw niyo ng gulo, pumunta na kayo sa side niyo." Siya ang pinakakalmado sa kanila. "Guys, I'm okay." Tumayo na ako. Hangga't maari, ayaw namin ng gulo. Pero parang 'yon ang gusto ng mga lalaki sa kabila dahil sa sinabi nila. "Tara na, Pare. Mukhang pinagsawaan na 'yan ng mga 'yan--" "You piece of s**t!" Sinuntok ni Raziel 'yong nakaasul na jersey. Sumubok namang sumuntok 'yong nakapula pero hinawakan lang ni Rhaven 'yong kamao niya at sinuntok siya. Nagsilapitan 'yong iba nilang kasama para umawat. "Anong nangyayari dito?" tanong ng isang lalaki na naka-red jersey rin. Mukhang siya ang pinakakalmado sa kanila dahil inawat niya 'yong mga kasama niya. "They're being an asshole!" sigaw ni Raziel. "Pagpasensyahan niyo na 'tong mga 'to. Mga dayo kasi kaya feeling malalakas." Nagpaumanhin siya bago sila umalis. Lumapit sa akin si Rhaven at hinawakan ako sa mukha. "Ayos ka lang ba? Don't mind what that fucker said." Alalang-alala siya dahil baka nasaktan ako sa sinabi ng lalaki, pero siya 'yong may dugo sa labi. "Ayos lang ako, ikaw 'yong hindi okay." Kinuha ko 'yong bimpo sa bulsa ko at ipinahid ko 'yon sa labi niyang dumurugo. "Kaya naman pala kayo pinagkakamalang magjowa," pang-aasar ni Carlo. Natawa lang si Rhaven at umambang susuntukin ang pinsan. "Tara na, panira ng araw," asik ni Manuel. Umalis na kami roon kaagad. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Raziel na naglalakad nang tahimik. Napansin kong may galos din ang pisngi niya kaya nilapitan ko siya at iniabot ang panyo ko. He frowned. "Anong gagawin ko riyan?" I touched his cheek. "May galos ka." Itinaboy niya 'yong kamay ko kaya nagulat ako. "Stop acting like you care for me." Nauna siyang naglakad kaya naiwan ako roong nakatulala. 'Yong totoo? Hobby ba nilang magkapatid na guluhin 'yong isip ko? Pagkarating namin sa kanila ay nagkulong kaagad si Raziel sa kuwarto niya. Naiwan kami ni Rhaven sa living room. "Gusto mo bang gamutin ko 'yong labi mo?" tanong ko. "It's fine. Pero 'yong isa, mukhang hindi okay. Go check up on him." Tukoy niya kay Raziel na ipinagtaka ko. Bakit ako? Hindi ba dapat siya dahil siya 'yong kapatid? "Sa 'yo lang 'yon makikinig." Parang binasa niya 'yong nasa isip ko kaya wala naman akong nagawa kung hindi umakyat sa kuwarto ni Raziel. I knocked three times bago ko narinig na nag-click 'yong knob, hudyat na hindi na 'yon naka-lock. Pagkapasok ko, bumalik siya sa pagkakaupo sa gaming chair niya at naglaro. "What do you want?" "Thank you kanina." Umupo ako sa dulo ng kama niya. Hindi niya ako nililingon pero alam kong nakikinig siya. "But you don't have to sort yourself into fighting--" "So, I'd rather let that guy say vulgar things to you?" Bakas sa boses niya ang pagkainis. "I'm sorry, but I'm not Kuya Rhaven. I can't be as calm and rational as him." "I'm not comparing you to him--" "Yeah, because no matter what I do, I will never be as good as him. Not even in your eyes." Nilingon niya ako at nagtama ang mga mata namin. Doon ko na-realize na bata pa nga talaga siya at sabik sa atensyon ng iba. "Raziel, you're special to me as much as--" "No." Umiling siya pero ang mata niya ay naka-focus pa rin sa nilalaro. "Because you like him, romantically." Hindi ako nakasagot. Bakit ba kailangan ka pang mag-explain sa kaniya? Masyado pa siyang bata. "Treat your wound. Aalis na ako." Tumayo na ako pero hindi man lang niya ako nililingon. Tuluyan na akong makalalabas ng kuwarto niya nang may sabihin siyang ikinatigil ko. "I know what you're thinking. That I'm still a kid who doesn't understand a thing. But I know what you feel for Kuya..." Napatingin ako sa kaniya na patuloy pa rin sa paglalaro. "... because that's what I feel for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD