Pumasok ako kinabukasan and as usual, naghihintay na sa tapat ng bahay namin ang kotse nila Rhavcn, Isinukbit ko na sa likod ko ang bag ko at isinabit sa leeg ang camera. “Mommy, aalis na po ako!” paalam ko kay Mommy kahit hindi ko alam kung naririnig niya ba ako mula sa second floor.
Pagkasakay ko ay binati kaagad ako ni Rhaven pero wala si Raziel na kaagad ko namang ipinagtaka. “Nasaan ‘yong kapatid mo?”
Rhaven frowned as if he’s in a bad mood. “Ang batang ‘yon, may ginawa na namang kabulastugan sa school kaya ipinatawag sila Mommy. Roon na siya sa kotse nila pinasabay para daw masermunan ni Dad.”
Bigla kong naalala ang nakita ko kahapon. Nalaman kaya nila na hindi pumasok kahapon si Raziel at naninigarilyo siya? Gusto ko man sabihin kay Rhaven ang nakita ko kahapon, hindi puwede dahil nangako ako sa kapatid niya.
Pagkarating namin sa school ay hinatid ulit ako ni Rhaven sa room, “Here’s the permit.” Inabot niya sa akin ang isang folder, pagkabukas ko roon ay may pirma na ‘yon ng Principal at pirma niya as the President of the whole school. “See you later.”
Natigilan ako nang guluhin niya ang buhok ko atsaka siya naglakad palayo. He’s always touchy when it comes to me but lately, ginagawa ko ‘yong big deal. Which I shouldn’t.
Pagkapasok ko sa room ay kumaway na sa akin si Fritzie at tumabi na kaagad ako sa kaniya. Pagkaupong-pagkaupo ko ay nag-vibrate ang phone ko, kinuha ko ‘yon dahil wala pa naman ang first subject teacher namin.
From: Raziel
See you later at the library.
Kumunot ang noo ko. Library? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko na lang siya ni-reply-an dahil dumating na rin ang Teacher namin.
Time passed until it’s already 10:30. Kailangan ko nang ibigay ang permit kay Jelay para malaman niyang pinayagan na abg photography club na kumuha ng pictures for the upcoming event.
“You want me to come with you?” tanong ni Fritzie. Ngumiti siya nang nakaloloko. Crush niya kasi ang vice president ng club namin. Si Aaron. Hindi mapagkaiilang guwapo ‘yon at malakas ang dating lalo pa’t musician and at the same time ay photographer na type na type ni Fritzie.
“Sige, samahan mo na rin akong kumuha ng pictures.” Naglakad na kami papuntang photography club room sa kabilang building. Sa pagkakaalala ko ay mga grade seven students ang nagkaklase sa building na ‘yon at may klase sila ng ganitong oras kaya nagtaka ako nang makita ko sa hallway ang parents ni Rhaven.
“Tita Helen, Tito Duke,” sabi ko kaya sabay silang napalingon sa akin. Nasa harapan sila ng guidance office at kinakausap nila ang assistant guidance counselor na si Ms. Christine.
“Blair!” Nilapitan kaagad ako ni Tita Helen at bumeso. Si Tito Duke naman ay binati ako. “Nako! Something happened and here we are.” Tita Helen sounded frustrated, na para bang may nangyaring hindi maganda.
Bumati rin sila kay Fie na pinakilala ko sa kanila. Pagkatapos ay lumipat na ulit ang atensyon nila sa akin. “Si Rhaven po, nasa kabilang building--”
“No, it’s not about him why we’re here,” pagkasabi n’on ni Tita Helen ay bumukas ang pinto ng guidance office at kasama ng guidance counselor si Raziel. Kumunot ang noo ko pero parang may idea na ako kung ano ang ginagawa niya rito at kung ano ang ibig niyang sabihin sa text niya.
Tito Duke messed Raziel’s hair. “Kiddo, this is the last time you’re changing school. Do it one more time, ibabalik ka ulit namin sa States.” Halata namang ayaw ni Raziel bumalik doon kaya tumango na lang siya at hindi na nagsalita.
“Don’t worry, Mr. and Mrs. Hernandez. Si Rhaven ang President ng Student Council dito sa San Fridel kaya siguradong mababantayan siyang maigi ng kapatid niya,” Ms. Christine said to assure them that Raziel will behave.
Tumingin sa akin si Raziel kaya kumunot ang noo ko at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako habang tumatakbo siya kaya napatakbo na rin ako.
“Raziel!” rinig kong sigaw ni Tita Helena pero parang walang naririnig si Raziel at tumakbo lang siya habang nakahawak sa akin at tumatawa.
“Raziel, ano ba? Bumalik na tayo roon--” Natigilan ako nang lumingon siya sa akin at ngumiti. A geniune smile.
“I’m not familiar with your school so be my guide.” Ewan ko pero nang oras na ‘yon, tahimik akong sumunod sa kaniya sa pagtakbo. Maybe because his smile reminds me of Rhaven.
Ilang minuto na kaming tumatakbo hanggang sa matigil kami sa harap ng botanical garden ng San Fridel University.
Wala masyadong tao roon pero ang ilang mga estudyanteng napapadaan ay napapalingon sa amin. Raziel is a head-turner. He’s handsome and even though he’s just a thirteen-year-old kid, hindi mo aakalaing ganoon lang siya kabata dahil matured siya.
“What’s that for?” Tukoy niya sa DSLR na nakasabit sa leeg ko.
“I’m a member of the photography club here. Isa ako sa kumukuha ng pictures lalo na kapag may important events ang school. Katulad sa monday, foundation day.” Hindi ko alam bakit ako nagkukuwento sa kaniya, pero nakikinig lang siya sa lahat ng sinasabi ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
“Can I try?” curious na tanong niya. Inabot ko naman kaagad sa kaniya ang DSLR camera at isinuot sa leeg niya. “How do you use this?”
Kinuha ko ang dalawang kamay niya at inihawak ko ang isa sa mismong camera habang ang isa naman ay sa zoom ring. “Kapag nakita mo na ang gusto mong kuhaan ng litrato, just click this one,” sabi ko at itinuro ko sa kaniya ang click button.
“I want to take pictures,” sabi niya at lumayo sa akin.
“Then, try taking pictures of the buildings. Dito lang ako.” Umupo ako sa bench sa harap ng botanical garden. Tumingin ako sa wrist watch ko at mayroon pa akong isang oras bago ang next subject ko.
Napalingon ako nang may nag-flash sa peripheral vision ko at napansin kong nakatapat sa akin ang camera. “What are you doing?”
“Nothing just...” Nagkibit-balikat siya. “... admiring the view.”
Sinimangutan ko siya at pinalapit sa akin. Pagkalapit niya ay pinitik ko siya sa noo. "Alam mo ikaw, napakapasaway mo. I promised I won't tell your parents about what I saw yesterday, pero kapag umulit ka pa, makakatikim ka talaga sa akin."
Tinawanan niya lang ako. Is he always this showy? Kadalasan, palagi siyang nakasimangot at hindi nagsasalita, pero ngayon ay ngumingiti na siya at tumatawa.
“I thought you’ll guide me? Tell me which building is which,” utos niya na parang ako pa ang nag-suggest na maging guide niya.
Wala na akong nagawa at naglakad na kami papunta sa pinakamalapit na building sa botanical garden. “This is the Bonifacio building for senior high school. May dalawang cafeteria sa ground floor at mayroong lobby.” Nilingon ko siya, kumukuha pa rin siya ng pictures pero mukha namang nakikinig siya sa akin. Naglakad kami papunta sa gym, mayroong mga nagba-basketball doon na mukhang mga college students. “This is the gym. Ginagamit ‘to minsan sa mga events like parents’ meeting o hindi kaya ay kapag may gustong i-announce ang Principal or student council sa mga estudyante. Pero kadalasan, mga athletes lang ang nandito--”
Muling nag-flash ang camera kaya napatigil ako at napalingon sa kaniya pero tinitigan lang niya ako na para bang wala siyang ginagawang masama. “What? Continue, please.”
Hinayaan ko na lang siya at naglakad na kami papuntang kabilang building. “Ito naman ang Claro Building. From grade eight to grade six ang building na ‘to kaya rito ka pupunta bukas since bukas pa naman ang first day mo sa school na ‘to.” Sumusunod lang siya sa akin hanggang sa nakalipat na kami sa kabilang building, “Then this is the Padrial Building, from grade nine to grade ten ay rito nagkaklase. Ito ang pinakamababang building sa lahat. Kung gusto mong makita si Rhaven, you can find his room on the second floor.”
“Why would I look for him?” he asked, coldly. “This is the last building, right?” Tumango naman ako bilang sagot. Naglakad siya palapit sa akin. Natigilan ako nang kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay niya roon ang camera. Tumango naman ako bilang sagot. Naglakad siya palapit sa akin. Natigilan ako nang kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay niya roon ang camera.
“See you later.” Iniwan niya ako roong nakatulala at pinanood ko lang siyang umalis. What was that? For a second, he’s smiling. Tapos mayamaya ay nakasimangot na naman siya at nagsusungit. Grabe ang mood swing.
Saktong maglalakad na rin ako nang makasalubong ko si Fritzie. “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!”
“Sorry, may ginawa lang.” Naglakad na kami papunta sa photography club. Dinadaldal ako ni Fritzie pero hindi nagsi-sink in sa isip ko ‘yong sinasabi niya kasi iniisip ko pa rin si Raziel. May nasabi ba ako na hindi niya nagustuhan or something?
“Speaking of guwapo, ang guwapo ng kapatid ni Rhaven, ‘no? Ilang taon na ba ‘yon at nang mahintay ko na lang?” Hindi ko maiwasang matawa. Sigurado akong sisikat din kaagad si Raziel dito sa campus.
Pagkabigay ko ng permit kay Jelay ay bumalik na kaagad kami sa room ni Fritzie dahil magsisimula na ang next subject. Nagrereklamo pa nga si Fritzie kasi hindi man lang daw niya natitigan nang matagal si Aaron na hindi man lang siya pinansin kahit saglit.
Tuwing wednesday, wala kaming lunch break pero maaga naman ang uwi namin. Pareho kami ng schedule ni Rhaven kaya sabay pa rin kaming umuuwi.
Nang matapos ang last subject namin ay naabutan kong naghihintay sa labas ng room si Rhaven kaya nagpaalam na ako kay Fritzie na naintindihan naman niya kaagad. Pagkalapit ko kay Rhaven ay kinuha niya kaagad ang bag ko at naglakad na kami palabas ng campus.
“Balita ko, rito na mag-aaral si Raziel,” sabi ko na tinawanan naman kaagad ni Rhaven, umiling-iling pa siya.
“Yeah. You know what he did?” Hindi makapaniwala ang tono ng boses niya, na parang hindi niya inaasahang magagawa ‘yon ng kapatid niya. “Niyaya niynag manigarilyo ‘yong Principal.”
Hindi ko napigilang matawa at ganoon din siya. Hanggang sa makarating kami sa kotse nila ay tawang-tawa pa rin kami. Who would have thought that a thirteen-year-old boy could do that?
Pagkabukas ko ng backseat, nagulat ako nang nakaupo roon si Raziel at nagce-cellphone. “Anong ginagawa mo rito?” tanong sa kaniya ni Rhaven na nagulat din.
“Blair promised to tutor me.” Napalingon sa akin si Rhaven kaya nagkatitigan kami. Sinisigurado niyang may usapan nga kaming ganoon ng kapatid niya.
“Y-Yeah, ngayon nga pala ‘yon.” Ngumiti na lang ako ng pilit and for a second, I saw an irritated look on Rhaven’s face, na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig. Tahimik kami buong byahe papunta sa bahay nila at nang makarating kami roon ay kami lang ang tao.
“Blair, are you sure you’re going to tutor him? You don’t have to overdo yourself,” nag-aaalalang sabi ni Rhaven.
“No, I’m fine.” I assured him. Inilapag ko ang bag ko sa sofa sa living room nila.
“But--”
“Kuya, she’s okay.” Pareho kaming natigilan ni Rhaven nang magsalita si Raziel. Hinawakan na naman niya ako sa braso at kinuha niya ang bag ko pagkatapos ay hinila niya ako. “Let’s go to my room.”
Ramdam ko ang pagtitig sa amin ni Rhaven hanggang sa makaakyat kami sa second floor at makapasok kami sa kuwarto ni Raziel. His room is so manly. Dark blue ang kulay ng pader, gray naman ang sahig at mayroon siyang computer sa study table. Sa tabi naman ng bintana ay ang queen sized bed niya na kulay blue and gray din ang kulay, pati ang kaniyang mga unan. May bedside table siya at nakapatong doon ang lamp niya. His room is so organized. Parang hindi niya kuwarto.
“Sit there.” Tinuro niya ‘yong gaming chair niya kaya umupo nalang ako roon. Napatingin ako sa laman ng study table niya, maraming books doon for Academics. Mukhang mahilig naman siyang magbasa at mag-aral pero bakit kailangan niya pang magpa-tutor sa akin?
Nagulat kami nang bumukas ang pinto at bumungad si Rhaven. Nakapangbahay na siya. “Blair, puwedeng pahiram ng camera mo? Kukuha lang ako ng pictures from the last event para maisama sa video presentation sa foundation day.”
Kinuha ko naman kaagad ang camera at iniabot sa kaniya. Akala ko aalis na siya pero binuksan niya ‘yong PC ni Raziel at doon niya sinaksak ‘yong memorcy card ng DSLR.
“Hey, you have your own computer!” asik ni Raziel pero hindi siya pinansin ni Rhaven.
Pagkabukas niya ng file ay natigilan ako nang makita ko ang stolen shots ko kanina. Nagkatitigan kami ni Raziel. Did he take a picture of me while I was tour guiding him?
“Who took these?” tanong ni Rhaven. Napalunok ako, bakit ako kinakabahan? Is it because the tone of his voice? Na para bang may mali akong ginawa.
“I did,” walang pag-aalinlangang sabi ni Raziel sa kapatid. “I thought cameras are supposed to capture beautiful things so...”
Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Rhaven. I can’t see his reaction dahil bahagya akong lumayo sa kaniya kanina. Hindi na siya nagsalita ulit pero mukhang wala siya sa mood. Hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yong sinabi ni Raziel kahit nang umalis na si Rhaven.
“Why did you take pictures of me?” I asked nang tapos ko na siyang turuan about sa math.
“I just wanted to.” Nagkibit-balikat siya na para bang hindi ‘yon big deal. But it is for me!
Nagpaalam na ako sa kaniya pagbaba sa front door. Ihahatid niya pa sana ako sa kotse nang dumating si Rhaven. “Ako na ang maghahatid sa kaniya.”
Wala namang nagawa si Raziel at nagpaalam na lang ako sa kaniya. Hinatid ako ni Rhaven hanggang sa kotse nila na maghahatid sa akin sa bahay. “Pasabi na lang kila Tito na napadaan ako--”
“Blair, I’m glad you’re getting along with my brother, but please...” He touched my cheek and smiled. “... don’t get close to him as much as you are to me.”
Then he left me there, dumbfounded.