Irieth HINDI ko alam, pero matapos sa akin sabihin 'yon ni Keen ay para bang may kumurot na kung ano sa 'king dibdib. Anong nangyari sa kanya? Ito ba ang dulot sa kanya ng babaeng pinili niya kaysa sa akin?! Muli akong huminga nang malalim. "Bigyan mo 'ko ng matinong sagot, aalis ako at hindi na ulit magpapakita pa sa 'yo," tinapangan ko ang aking boses. Pero nang sabihin ko 'yon ay tila mas tumalim pa ang tingin nito sa akin kumpara kanina. "Hindi ko na problema, kung walang k'wenta ang kumpanya nila," sagot niya. "Huwag ka na ngang mag maang-maangan, p'wede ba? Alam ko na may kinalaman ka sa nangyayari sa kumpanya nila. Bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit, Keen? Anong kasalanan ng mga Tajano sa 'yo—" Napaigtad ako ng bigla niyang suntukin ang table na nasa tabi niya. Hindi ko namalay

