Irieth TULOG pa si Mikell nang mag-asikaso ako, kaya iniwan at ibinilin ko ito kay Ate Marif dahil maaga akong bumyahe papunta sa opisina ni Keen. Desido na akong kausapin siya dahil gusto kong malaman ang totoo at manggaling dito ang lahat ng sinabi ni Drake kagabi tungkol sa kanya. Kung tama man iyon, gusto kong malaman kung ano ang pakay niya. Bakit niya iyon ginagawa. Nalaman ko mula kay Drake ang address ng kumpanya ng Devara, gusto pa sana ako nitong samahan sa pagpunta ro’n pero mabilis akong nagprotesta dahil alam ko na hindi magiging maayos ang lahat lalo't hindi naging maganda ang una nilang tagpo. Malalim ang aking iniisip habang nagmamaneho pero hindi nakatakas sa 'king paningin at diwa ang mga nadaraanan kong building. Malamang ay nasa lugar na ako na pagmamay-ari ng mga

