Irieth Sinalubong ko agad ng yakap ang anak ko nang makarating ito sa bahay. Sobra akong nag-alala nang sabihin ni Drake na nawala si Mikell sa lugar kung saan ito naglalaro kanina. Mabuti na lang ay nakita niya agad ito, bago pa ako sumunod sa mall na iyon. "Are you okay, mahal ko?" nag-aalalang tanong ko sa 'king anak. "Yes, Mommy," halata ang pagod sa boses nito kaya agad kong hinarap si Drake para magpaalam sandali. "I think he's tired. Iaakyat ko lang siya saglit, pagkatapos ay pupuntahan ko si Aila sa k'warto niya para pasamahan si Mikell nang makapag-usap tayo." Isang tango ang sinagot nito sa akin, hindi ko alam kung pagod lang din siya o malalim lang ang kanyang iniisip? Mamaya ko na lang siguro aalamin. Naglakad ako kasabay si Mikell. Paakyat na sana kami sa hagdan ng anak

