Irieth You are my sun, You are my moon, You are my strength and the air I breathe, You're my yesterday, You're my today, You're my forever and my everything . . . Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang naglalakad papasok sa simbahan kung saan ginaganap ang kasal namin ni Keen. Hindi ako makapaniwala na nararanasan ko ito ngayon. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako dahil kahit imagine-in ang ganitong bagay noon ay hindi ko nagawa. Napuno ako ng pait at pagsasakripisyo matapos ang trahedyang nasaksihan ko noong bata ako. Akala ko ay hindi na ako makakaahon mula sa kalungkutan, at sa aking mga pinagdaanan, akala ko ay hindi na ako magiging masaya ulit, akala ko— hindi ko na mararanasan ang kapayapaan at pag-ibig na nararamdaman ko ngayon. Alam ko na lahat ng tao ay may kanya-ka

