Irieth You are my sun, You are my moon, You are my strength and the air I breathe, You're my yesterday, You're my today, You're my forever and my everything, and I will choose you, forever and ever, Because you are my guarantee in this uncertain world . . . Walang tigil ang aking luha habang kinakanta ng isa sa kaibigan ni Keen ang mismong likhang awitin nito para sa akin. Hindi ko akalain na may talento pala ang lalaking mahal ko sa pagsulat ng kanta. Dahan-dahan ni Keen itinaas ang belo ko, nang sabihin ng Pastor na pwede na niya akong halikan. Halos mag-init ang aking mukha nang mapusok niya akong hinalikan sa mga labi ko. Nakaramdam ako ng konting hiya nang marinig ko ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga bisita namin. Bahagya kong kinagat ang ibabang labi ni Keen n

