Irieth Natutulog pa ang anak ko nang imulat ko ang aking mga mata. Sa totoo lang ay wala akong maayos na tulog ngayon dahil sa kaiisip sa mga nangyari kagabi. Kahit gustuhin ko na bumalik pa sa pagtulog ay pinilit ko nang tumayo dahil gusto kong makausap si Aila. Napakarami kong gustong malaman mula sa kanya. Tumayo ako at naligo. Nang makatapos ako sa pag-aasikaso ay umupo ako sa tabi ng anak ko. Pinagmasdan ko ang napaka amo niyang mukha habang niyayapos ito. "Buo na ang loob ko, Anak. Ipakikilala kita sa ama mo, pangako,” bulong ko. I took a deep breath, “Ayokong matulad ka sa akin. Ayokong makaramdam ka ng galit dahil sa nakaraan ng iyong mga magulang— sa aming nakaraan.” Hinalikan ko siya sa kanyang noo saka ako lumabas ng kuwarto. Tamang-tama ay nakita ko si Ate Marif. Kaya m

