Chapter 2

2521 Words
My mind is dark And filled with pain, Like the black sky Before the rain... I need to let go. - Christy Ann Martine Chapter Two Damsel in Distress I thought my life is already dark but what happened to my family is the darkest, painful chapter of my life. What happened a year ago, nakayanan ko iyon dahil kasama ko ang pamilya ko. We survived the tragedy together, there's a lot of people who sacrificed their life so we can survived. Pero ngayon, how can I survive this without breaking down? How can I continued living my life? What's the purpose of my existence anyway? Ito ba ang kabayaran sa ilang beses kong pagtangkaan ang buhay ko? Nabuhay lang ba ako para magdusa? Ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko, ni hindi kumakain. Sinubukang saktan ang sarili pero nagigising akong buhay pa rin. Why can't I just die? Wala ba akong lugar sa langit o kahit sa impyerno? "Wyler?" Tawag ko sa kanya habang pababa ng hagdan. Nakakabinging katahimikan at nakakakilabot na simoy ng hangin ang sumalubong sa'kin. Dumeretso ako sa kusina, nagtaka ng makitang may nakahain ng pagkain sa mesa. Tomato soup, bacon and eggs. Maybe Wyler cooked it but that kid doesn't know how to cook. Nagkibit-balikat na lang ako, bagong luto iyon at mukhang masarap. Sinubukan kong kumain kahit walang gana at panlasa. Nang matapos ay hinanap ko si Wyler pero wala ito. I even called his phone but he's not answering it. Pumunta ako sa kayang kwarto at nakita sa kanyang side table ang isang sulat. Don't look for me, Jane. I will be fine, just take care of yourself. Don't let the pain rule over you. Just always remember that I love you. - Wyler Lumabas ako at sumakay sa kotse ni Steve, hindi ko alam kung saan patutungo. Nangalay na ako sa pagda-drive pero hindi pa rin ako tumitigil hanggang sa mapansin kong tinatahak ko na pala ang daan papuntang Baguio. I unfasten my seatbelt while removing my foot on the clutch and hand on the brake as I steer the steering wheel to the left. Bahagyang tumagi-tagilid ang kotse sa pagpunta non sa damuhan at lubak na lupa, naaninag ko ang isang malaking puno. I closed my eyes as tears escaped my eyes. I'm ready, matagal na akong handa para dito. Naramdam ko ang pag-uga ng sasakyan saka pagsubsob at pag-untog ng ulo ko sa manibela kasabay ng malakas at nakabibinging tunog ng kotse. I gasped then opened my eyes, nag-angat ako ng tingin at ang una kong nakita ay si Lyon na nakatungo habang nagbaba-taas ang dibdib at ang kamay ay nasa sira na ngayong hood ng kotse. Nagulo ang kanyang buhok dahil sa pagpigil sa sasakyan, ang malaking puno ay nasa kanyang likod lang. Napanganga ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ng mag-angat sya ng tingin at magtama ang mga mata namin, natulala ng matitigan ang pula nyang mata. Umusok ang harapan ng kotse kaya hindi ko tuluyang nakita ang ekspresyon ng kanyang mukha pero kitang-kita ko ang kanyang mata. Sa sobrang gulat sa bigla nyang paglitaw at sa pula nyang mga mata ay ni hindi na ako nakagalaw, namalayan ko na lang na bumukas ang pinto sa tabi at hinila ang braso ko palabas. Nanghihina akong napaluhod sa damuhan. Shaking in fear. "You stubborn pain in the ass... What was that?" My lips parted as I look up to him, malamlam ang matang tumitig sa kanya. Gulat at namamangha, ni hindi na alintana ang ginagawa. Umigting ang panga nya at nagdilim ang mukha kasabay ng pagmumura ng malutong saka biglang tumalikod habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri na tila ba pinapakalma ang sarili. Kinalma ko ang sarili, ilang beses na tumikhim. "You should let me... D-Die." may bumara sa lalamunan ko. Napayuko at sinambunutan ang mga d**o. "Well, that's not going to happen." Hinawakan nya ako sa braso at hinila patayo saka iginiya sa kanyang land cruiser na nasa likod lang ng sasakyan ni Steve. Nang makapasok ay mabilis nyang pinaandar ang kanyang kotse. "You should just let me---" "Shut up... You don't want to see me get mad, Jane. So you better shut your mouth." Napaayos ako ng upo sa sobrang lamig ng boses nya. And now I'm wondering, Frances described him as a nice, caring, gentle person. But looking at him, being with him. He is cruel, cold and rough. He is scarier than the dark. "Ano ba, Lyon." Sigaw ko ng mabawi ko na ang lakas. "Son of a gun." Hinila na naman nya ako palabas ng kanyang kotse nang ihinto nya iyon sa harap ng kanilang dorm. Napakalamig ng kanyang kamay, nakakakilabot. "You don't have to drugged me and what am I doing here? Sa village mo ako ihatid." I ranted. Hawak nya ako hanggang sa makaluob kami at makarating sa kanilang sala. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko pero hindi naman ako nasasaktan. He scrutinized me closely that I can smell his aftershave, hot breathe and cologne. His slate blue eyes is flaming with wrath, his narrow lips are in a grim line and his unruly brows are puckered. "Why don't you just enjoy your life?" "It's already meaningless... Useless." "Well, do you think I will let you waste your life like that?" "You're too late because news flash," I tried to removed his hands on me but it's firmly holding my arm. The coldness of his hands under the warmth of my palm, it's making all of my hairs on my body stood to their ends. "My life was already wasted." His expression hardened. Tinitigan ako pero kahit pinanghihinaan ay nakipagtitigan ako sa kanya. "Why do you even care, huh?" My cheeks glistened with tears. "Why can't you just leave me alone." "Because I promised in Frances' body that I will protect you." He sneered. My face screwed up, bitterness spread through my system. "Then brake your promise---" "I can't and I won't." He fired. "Protect me? How can you protect me when you can't even protect Frances?" Sigaw ko. "Di ba makapangyarihan kayo? Bakit hindi ninyo man lamang iniligtas ang pamilya ko?" Umigting ang panga nya at tinitigan lang ako. "Let me go," pinaghahampas ko ang dibdib nya, sinampal sya, sinuntok. Ibinuhos ko sa kanya ang galit at sakit ng pagkawala ng pamilya ko. "Let me go!" Hinihingal akong huminto, napagod na rin sa p*******t sa kanya na mukhang hindi naman nya alintana. Nakatitig lang sya sa'kin at hinayaan akong saktan sya. "Are you done?" He tilted his head. "If not, then hurt me until you feel okay. Punch me or kick me, go on." Nakanganga akong tumingala sa kanya, kitang-kita ko ang resulta ng pagsampal at pagsuntok ko sa kanyang mukha. Namumula iyon at parang bumakat pa ang palad ko. Kinain ng konsensya ang puso ko. "Lyon." Napakurap-kurap ako, kinuyom ang kamao at nagbaba ng tingin ng may tumawag sa kanyang pangalan at sabay namin itong nilingon, Elric is staring us. Sumulyap muna ito sa'kin bago kay Lyon. "Can I talk to you." "Not now, Elric." Sabi ni Lyon na sa akin nakatingin na para bang mawawala o tatakbo ako. Elric cleared his throat. "This is important. Really! Like important- important!" Iwinagwag ko ang braso para maalis ang kamay nya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nya sa'kin, ni hindi talaga natitinag. "Talk to him. Don't worry, hindi ako magpapakamatay. As if I can easily kill myself here." I hissed. Napabuga siya, mariin akong tinitigan. "Stay here." Inirapan ko lang sya. "Stop acting like a brat." He uttered annoyingly. I clenched my fist. Ilang segundo nya pa akong tinitigan bago tuluyang binitawan na parang napipilitan pa saka lumapit kay Elric. Huminga ako ng malalim at umirap sa hangin saka pabagsak na umupo sa sofa. Unti-unti ay kumalma ako. Ito ang unang beses kong hinayaang pangunahan ng galit. Ito ang unang beses na sumabog ako. This is not me. I'm strong, I can hold my anger, my temper. I can hide my feelings but in front of him... Sinulyapan ko ang dalawang lalaki, seryoso pa rin silang nag-uusap. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "What are you doing to me? I'm already wasted, why do you need to make it worst than it already is?" I whispered to my heart. Tumayo ako at naglakad-lakad dahil mukhang matagal-tagal pa ang pag-uusap nila. Natigilan ako ng makita ang isang picture frame malapit sa fire place. I smiled when I saw Frances there with the descendants, the phoenix and her girl friends. Some of them have icing on their faces, they all looked happy. I laughed silently. Kinuha ko iyon at pinakatitigan. Kusang umangat ang kamay ko at hindi ko namalayang hinahaplos na pala ng hintuturo ko ang mukha ni Siege. Kumabog ang dibdib ko, mabilis iyong nabitawan saka napaatras. Napasinghap ako ng tumama ang likod sa isang matigas na bagay, mabilis na napaharap at sumalubong sa'kin ang nakakunot noong si Lyon. Napalunok ako ng titigan nya ako. "I told you to stay---" "Anong gusto mo? Tumayo lang ako doon at huwag gumalaw?" Sansala ko sa iba pa nyang sasabihin. Napailing sya. "You're so stubborn, do you know that?" I grunted and smirked. "Wait till you see my bad side." "So, this is your good side?" Napailing ulit sya, tila naaliw sa'kin. "I don't think I want to see your bad side." Umirap ako at umikot ang mata, I bit my gum to suppress my smile. Weird, kanina nag-aaway kami tapos ngayon... This is weird. Lumagpas ang kanyang tingin sa'kin. "Yes, Lyre?" Mabilis akong lumingon sa tinitingnan nya at nakita ang isang babae, one of Frances' friends and a daywalker. Wearing an apron dress, denim jacket and wedge ankle. She has a ginger medium length layers, florid skin and gangling body. Matangkad si Lyon at hanggang baba nya lang ako pero gumilid pa rin ako para maayos na matitigan at makausap nya si Lyre. Pero ganon na lang ang gulat ko ng hawakan na naman nya ang braso ko na para bang ayaw akong malayo sa kanya. Napasinghap ako, tumahip ng mabilis ang puso at parang nahirapang huminga. "Done with the quarrel, lovers?" She asked seriously. "W-What? Duh!" Namilog ang mata ko kasabay ng pagiinit ng pisngi, may kabang tumawa. "Quarrel lang, walang lovers." Lyon tsked beside me that almost made my heart juddered. Tumawa si Lyre. "Dinig sa buong dorm ang sagutan nyo. Baka nga sa buong Philippians." I bit my bottom lip. "Hmm, what are you doing here?" I tried to sound fine, iyong walang halong pagdududa o intriga. "Oh!" She smiled. "I lived here." Kumunot ang noo ko, binalingan si Lyon pero mabilis na binura ang paghihinala. I nodded and smiled then glared at Lyon. "Take me home, Lyon." "Jane---" "Don't worry, I'm not going to kill myself." Tinalikuran ko na sya. Inihatid ako ni Lyon sa bahay, nang marinig ang papalayong kotse nya ay naghintay pa ako ng isang oras bago lumabas at dumeretso sa isang salon. I cut my hair and bleached it. Nang lumabas sa salon ay bago na ang itsura ko. Straight dirty blonde hair na hanggang balikat ko. Masaya at kuntento ako sa naging resulta. It even heightened my round face and sharp cheekbones. I feel younger, light and different. I decided to go to a bar where everyone is allowed, mortals and vampires can act normal. Hindi ka pipilitin kung ayaw mo. I just learned one thing in my life, huwag kang magpapadaig sa takot. Yes, I'm scared of the dark but I'm trying to face it. Fight it. Conquer it. Going to a bar at night is just a baby steps. "Jane?" Some guy approached me at the bar counter while I'm ordering mojito. "Wow! You looked great. Kung hindi pa kita tinitigan ng maayos ay hindi kita makikilala." I chuckled when I recognize him, Shane is my classmate in two subjects and he's a vampire so he's off limits. I can talk to him but I can't flirt. I can entertain him but not in a romantic way. My rules will always remain. I don't want to be romantically involved in any vampire. Nightwalker or descendants. Napatingin ako sa braso nya ng pumalibot iyon sa katawan ko. Natawa na lang ako. I'm just wearing crop top, mini-skirt, a fishnet stocking and combat boots. It's sexy and daring but I don't care anymore, I'm even willing to get naked here. Noon, I can't wear clothes like this because of Steve and dad but they're all gone now. My life is already wasted so mas sasayangin ko pa iyon hanggang sa wala ng matira sa'kin. Hinila ko ang kwelyo nya saka bumulong sa kanyang tenga. "I'm willing to be screwed by you tonight, Shane, but you're a vampire. Sorry." Ang pagprotesta nya ay natabunan ng malakas na tugtog. Lumayo ako sa kanya saka ininom ng diretso ang mojito at nag-order ng beer, bininbit iyon sa dance floor saka nakigulo sa mga nagsasayaw doon. May naaninag akong naghahalikan, ang iba'y wala ng inhibisyon kung magsayaw. Talagang mapagangkit at malaswa. At karamihan ay nakasubsob sa leeg ng kanilang kasayaw, sinisipsip ang kanilang dugo. The smell of s*x and blood is making me groggy plus the different lights and the dim environment. The music and screams were so loud. Nakakaliyo, masakit sa tenga pero masaya. Nakakawala ng sarili. Tumaas ako sa isang mesa, mas lalong nagsigawan ng magsimula akong sumayaw ng mapangakit habang inihahampas ang buhok sa ere at sumisigaw. May nakigaya na rin at lumapit sa'kin, girls are sexily dancing with me. I don't care about anything anymore. May lalaking yumakap sa'kin at napaigik na lang ako ng maramdaman ang biglang pagsalakay ng hapdi sa leeg. "What the f**k!" Mabilis ko syang tinulak at sinalat ang leeg ko, nadama ko ang malapot na bagay don at alam kong dugo ko iyon. "C'mon, stop playing hard to get." He tried to touch me but I slapped his face. "Gago ka ba, Shane, do you even know the rules? The sacred order?" His jaw tightened then his eyes turned to silver. "You, b***h. How dare you!" Napaatras ako pero nahawakan nya ako at mabilis na sinakal, bahagya akong umangat. "You hate our kind, huh? Then, b***h, I will turn you." Namilog ang mata ko, sunod-sunod na umiling. Hindi na makahinga but I tried to remove is hands. Not that, I will begged him to kill me but not that. I don't want to be like that. He flashed his fangs but before he can suck my neck, bigla syang lumipad. Bumagsak ako sa mesa at tinanaw na lang ang pagtama ng kanyang katawan sa pader at pagbagsak. Natigil ang tugtugan at kasiyahan. Nang ilibot ko ang tingin. Malapit sa pinto ay nakatayo sila Elric, Daelan, Kael, Santi, at Felix. Nagbulungan, ang mga babae'y hindi magkamayaw sa pagtitig sa kanila. May bumara sa lalamunan ko, napaluha ng hindi na nakaya ang panghihina at... Pagkadismaya. Nang tingnan ko si Shane, napalitan ng tuwa ang galit para dito ng makita ko si Lyon. Hawak ng isa nyang kamay ang leeg ni Shane at dahan-dahan itong iniaangat sa ere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD