Chapter 1: New beginning
It’s been a year already since Tyler died. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako, hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang sinisisi ko. Ang daming nangyari, ang daming nasaktan at lahat ng ‘yon ay ako ang puno’t dulo.
“Hey, let’s go.” Aya ni Chloe pero imbis na lumapit sa kanya ay nag-indian seat lang ako sa kama habang siya naman ay nakatayo malapit sa pintuan. First day of class bilang third year, wala ako sa mood pumasok.
“Tawagin ko pa ba si Zero para sipagin kang pumasok?”
“Shut up, pababalikin kita sa kwarto mo.” Banta ko sa kanya. Simula kasi noong mawalan ako ng roomate ay lumipat na siya rito. Tutal ay wala na rin naman siyang kasama sa kwarto niya kaya pumayag ang school na kami na ang mag-share.
“Babe.” Agad nanigas si Chloe sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Jester. Agad naman akong napalingon sa balkonahe. Gustong-gusto ko nang ipaputol ang puno sa tapat ng kwarto na ‘to.
“Hoy! Kailan pa kita binigyan ng permiso pumasok sa kwartㅡ”
“Nandito girlfriend ko.” Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Naglakad siya papunta kay Chloe at napairap na lang ako.
“Pwede ba! Ang aga-aga.” Reklamo ko sa dalawa. Magyakapan daw ba sa harapan ko, sarap balatan ng buhay. Six months ago na nang maging official silang dalawa. Kunyari pa silang friends lang daw, ‘yon pala nagliligawan na. Sa buong second year life namin ay hindi sila mapaghiwalay.
“Inggit ka lang, eh.” Pang-aasar pa sa akin ni Jester. Mabilis kong nakuha ang unan sa tabi ko at nang akma kong ibabato iyon sa kanya ay naramdaman kong may mga braso ang yumakap sa akin mula sa likuran.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ugh! I can feel his f*****g breath!
“Ang init ng ulo mo. Meron ka ba?” Halos umusok ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Just what the hell?
“Kapag hindi ka umalis sa likuran ko, pagbubuhulin ko kayo ni Jester.” Natawa na lang si Chloe at agad namang tumayo si Zero para lumipat sa harapan ko. Nakangiti lang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at pilit pinigilang ngumiti. Minsan tuloy ay nagsisisi ako na sinagot ko siya no’ng oras na ‘yon. ‘Yong time na niligtas niya ako mula kay Travis.
“Ayan ba ibubungad mo sa boyfriend mo? Come on, look at me.” Hinawakan niya ang baba ko at marahang nilingon sa kanya. He’s still smiling like an idiot.
“Zero stop messingㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin nang walang pasabi niya akong hinalikan sa labi. Sunod-sunod akong kumurap dahil sa ginawa niyang iyon.
“Happy anniversary.” Malambing na bati niya, and at that exact momentㅡnag-init ang pisngi ko. Isang taon na ngunit ganito pa rin ako tuwing kaharap siya. Hindi nasasanay sa mga sweet gestures niya na para bang bago lang kaming pumasok sa isang relasyon.
“You’re blushing too much. Kinikilig ka ba?” Nahampas ko siya ng unan bago mag-decide na tumayo na.
“Let’s go. Male-late na tayo sa klase.” Akma na sana akong maglalakad papunta sa pinto ngunit hinawakan ni Zero ang kamay ko.
“Hindi mo ba ko babatiin?” Tumayo siya at saka humarap sa akin.
“Mamaya na kapag tayong dalawa na lang magkasama. May surprise ako sayㅡ” Naubo na lang bigla ‘yong dalawa sa likuran namin kaya napairap ako. Ugh!
“Gusto lang pala ma-solo ni Erin si Zero, eh. Tara babe, labas na tayo.”
“Jester sinasabi ko sa ‘yo, tutuwid ‘yang buhok mo kapag sinabunutan kitaㅡtara na nga!”
ㅡ
“Ate Erin!” Agad akong napalingon sa kalagitnaan ng hallway. Kusa naman akong napangiti nang makita siya.
“Third.” Bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. I guess, hindi talaga siya nagmana sa kuya niya.
“Mabuti na lang at probity ka.” Nakangiting sabi ko at tumango naman siya na medyo nahihiya pa.
“Kapatid mo ba talaga siya?” Tanong ni Chloe kay Zero kaya bahagya akong natawa. Miski siya ay hindi makapaniwala.
“Yeah. I know it’s unbelievable, ampon kaya ‘yan si Third.” Pabirong sabi ni Zero nang guluhin niya ang buhok ng kapatid.
“Ate Erin, hiwalayan mo na ‘yang kuya ko please.” Hinawakan ko ang ulo niya at saka tumango.
“Baby, come on.” Agad kong sinamaan ng tingin si Zero. What the hell! Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng baby. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng pisngi ko, pinagtatawanan tuloy ako nila Jester at Chloe.
“Ehem, baby pala huh.” Boses ni Xian. Lumingon ako sa likuran at nakitang kasama niya sila Jennie, Rozee at Alex. Ugh! I swear...
“Er! Sige na, Third. Pumasok ka na sa klase mo at baka ma-late ka pa sa unang araw mo. Goodluck!”
“Magpakabait, ah?” Bilin ni Zero.
“Opo. Bye, sa inyo!” Nagmadali ng tumakbo si Third kaya sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa kanya-kanyang classroom. Magkakaklase kami nila Chloe, Rozee at Jennie this year. Habang ‘yong apat na boys ay nasa ibang section.
“Baby pala endearment niyo, ah. Isang taon na kayo pero bakit ngayon lang namin nalamaㅡ”
“Move on, Alex! And don’t even mention it again. Nakakahiya.” Sabi ko nang sikuhin ko si Zero. Siya lang naman kasi ang nagpupumilit na tawagin akong baby. Gustong-gusto niya kasing nakikita ang reaksyon ko, and I’m sure na si dad ang nagsabi sa kanya ng bagay na ‘yon. Ugh! Pagpasok namin sa kanya-kanyang classroom ay nagkumpulan muna kaming apat nila Jennie dahil wala pa namang prof.
“May sinend na picture sa ‘kin si dad.” Sabi ni Rozee at saka ipinakita ang phone niya sa amin. Si Tito Jimmy na karga-karga ang cute kong kapatid na si Storm. He’s already 7 months old.
“What’s with the face, Jennie?” Puna ni Chloe. Napataas naman ako ng kilay nang makitang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
“Ang tagal-tagal na pero friend zone pa rin ako! Mauunahan pa ako ni Rozee magka-boyfriend.”
“Eh, baka kasi hanggang ngayon ako pa rin ‘yong gusto ni Xian.” Pang-aasar ko.
“Shut up! Matagal na siyang naka-move on sa ‘yo.” Inirapan niya ako.
“I know, chill! Sure ako na may dahilan kung bakit hindi ka niya nililigawan. Maybe, hindi ka niya gusto.” This time, sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa na lang kaming apat. Ganito kami naging close ni Jennie, walang humpay na pang-aasar sa isa’t isa pero lagi siyang talo sa akin. Insolent siya pero mas insolent pa rin ako.
Pagpasok ng prof ay kanya-kanya silang balik sa mga upuan nila. Introduce introduce na naman ‘to. Eh, kilala na naman kaming lahat ng mga estudyante rito sa Monstrous. Like hell, ang sikat ng grupo namin.
“Good morning. I will be your adviser this semester. My name is Martin Freio. You can just call me, Sir Freio. Now! Before we start. Please introduce yourself. Who wants to go first?” Napairap na lang ako at saka tumayo. Ako na ang muuna.
“Erin Cross, Intrepid.”
“Chloe Silva, Probity.”
“Jennie Kim, Insolent.”
“Rozee Park, Keen.”
Nang matapos kaming apat ay agad kaming nagkwentuhan habang nagpapakilala ang iba naming kaklase.
“Probity? Liar! Aberrant ka kaya.” Bulong ni Rozee nang lumingon siya sa likod kung nasaan si Chloe.
“Bakit? Ikaw rin naman, ah? Keen my ass!”
“Nagtatalo pa kayo. Pare-pareho lang naman tayong aberrant.” Bulong ni Jennie at napailing na lang ako.
“Your seating arrangement will be permanent. Kung saan kayo nakapwesto ngayon, hindi na ‘yan magbabago hanggang matapos ang first semester so make sure na roon kayo pupwesto kung saan kayo komportable.” Sabi ng prof at wala naman kaming problema roon. I mean, we’re already in collegeㅡuso pa ba ang seating arrangement? Weird.
“Well... That’s all for today, you can have your free time.” Dagdag ng prof at saka lumabas. Gano’n naman kasi talaga kapag first day, hindi agad-agad nag-uumpisa ang regular class.
“Puntahan natin ‘yong mga ugok.” Aya ko at saka kami tamayong apat para magpunta sa third floor kung nasaan ang classroom ng apat na lalake pero pagdating namin ay walang tao roon.
“Looking for us?” Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran at doon nakita ang apat.
“Where have you been?” Tanong ni Rozee kay Alex.
“Nag-cr.”
“Ng sabay?” Tanong ni Chloe.
“Oo. Natural lang naman ‘yon, ah? Kayo ngang mga babae kailangan naka-holding hands pa kapag pupunta ng cr.” Sabi ni Jester. Hay nako, wala namang pupuntahan ang pinag-uusapan nila.
“May free time kami. One and a half hour pa bago ‘yong next class. Let’s go outside.” Aya ni Jennie.
“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ni Xian.
“Kahit saan okay lang as long as kasama ko si Erin.” Ani Zero kaya napayuko ako. Bakit ba siya ganyan? Ugh! Kanina ko pa siya gustong sapakin..
“A-aray, nilalanggam kami.” Sabay-sabay na sabi no’n anim na akala mo’y pinagpraktisan nila iyon.
“Oa niyo, tara na nga!” Aya ko at nagsimula na kaming maglakad. And as usual, nasa amin ang lahat ng atensyon ng mga nasa hallway. Wala ng bago, since second year ganito na kami. Lagi kaming magkakasamang walo. Helera kaming apat na babae sa harap at gano’n din ang apat na boys sa likuran. Gano’n ang pwesto namin kapag naglalakad kami ng magkakasama.
We’re not a gangster pero sikat ang grupo namin. Naalala ko tuloy ‘yong mga kinukwento sa akin ni mommy noon. Kung gaano kasikat ang dark at tropang sisiw, hinahangaan pero kinatatakutan. Gano’n din kami ngayon. Weird but coolㅡhindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng maraming kaibigan.
Sana ay nandito rin si Aki at Tyler pero marami nang nagbago at natanggap ko na rin na walang permanente sa mundo.
Since third year na kami ay malaya na kaming lumabas ng campus kahit anong oras kaya hindi na kami nakikipagtalo sa gwardya.
Nang makarating kami sa park malapit sa academy ay kanya-kanya kaming pwesto sa isang upuang bato na may lamesang bato sa gitna.
“So anong gagawin natin ngayon?” Tanong ni Rozee.
“Titigan. Kung sino unang kumurap, may kiss.” Pilyong sabi ni Alex.
“Para-paraan.” Bulong ni Jennie.
“Inggit ka lang, eh.” Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya natawa ako. Hindi ko maintindihan kung ano pa ang hinihintay ni Xian. Alam naman ng lahat na nade-develop na siya kay Jennie pero hanggang ngayon ay gano’n pa rin sila. Mauunahan pa sila nina Rozee at Alex.
“Hey.” Agad akong napalingon kay Zero na nasa tabi ko. Nginitian ko lang siya at naghintay sa sasabihin niya.
“I love you.” Bulong niya nang hawakan niya ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa.
“I love you, more.” Ngumiti siya ng matamis at saka kinuha ang phone niya.
“Hey guys, let’s take a picture.” Sabi niya at kanya-kanya namang pose ang lahat, sobrang lawak ng ngiti ko. I’m so happy to have them and yesㅡIt’s a new beginning for me. A new beginning of our story.