Erin’s POV
Hindi ko nagawang makatulog ng maayos kaya naman sakit ng ulo ang inabot ko kinaumagahan. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
“Good morning.” Bati ni Chloe na mukhang kagigising lang din gaya ko.
“Good morning.” Nakangiting bati ko pabalik at saka kinuha ang phone sa ilalim ng unan.
[Good morning, baby. Hulaan ko, napuyat ka ‘no? ‘Wag mo nang stressin sarili mo, okay? See u later, I love you]
Para akong tangang nakangiti dahil sa nabasa ko. He really have his ways para pangitiin ako sa simpleng message lang galing sa kanya. How can he even do that?
“Guess you’re okay now.” Ani Chloe bago siya dumiretso sa banyo. Napailing lang ako at saka marahang bumangon. I hope everything’s gonna be okay.
Ilang oras ang lumipas, tahimik lang kami sa classroom. Mukhang aware na rin ang lahat sa mga nangyayari. Well, sino ba namang hindi? Two student died suddenly at wala man lang ginagawang aksyon ang school’s management.
"Good morning, class.” Bati ng prof at ni isa ay walang bumati pabalik. Taas kilay kong pinagmasdan ang prof namin, there’s something wrong with her.
“Ma’am, are you okay?” Tanong ko at tumango laman ito kahit obvious naman na hindi. She looked so pale like she was going to pass out anytime soon.
“She’s obviously not okay.” Bulong ni Rozee.
“Yeah, I can tell.” Sabi ko pero hindi na namin binigyang pansin pa.
ㅡ
“Are we really going on with this plan?” Tanong ni Jennie nang magsama-sama kaming walo rito sa kwarto namin ni Chloe. Katulad ng napag-usapan kahapon, ngayon idi-discuss ang plano. We really don’t know what we’re doing pero isa lang ang alam kong dahilan. Para malaman kung ano talaga ang itinatago ng school’s management or Monstrous to be exact.
“How can we even pull off this mission kung hindi naman natin alam kung sino ang target natin.” Dagdag ni Jester.
“Kaya nga natin ‘to gagawin para malaman kung sino. Ako at si Rozee ang bahalang magmanman sa labas ng main building, sila Chloe sa may control room, sila Jester sa second floor. Sila Erin naman ang magmamanman sa Dean’s office.” Paliwanag ni Zero.
“So? Ano naman ang gagawin natin?”
“We’re getting information, Xian.” Sabi ko at tumango naman sila.
“Kailan tayo kikilos?” Tanong ni Rozee.
“After ng curfew.” Tipid na sagot ni Zero at panandalian kaming natahimik para mag-isip kung paano namin maisasagawa ng maayos ang plano. Paano kami makakakuha ng info? Simple lang. Papasukin namin ang office ng dean. I know this is a reckless mission but we don’t have any choice. Hindi kami basta uupo lang sa isang tabi at magbubulag-bulagan sa mga nangyayari.
“So what now?” Tanong ni Rozee.
“Magkita tayo mamayang dinner sa cafeteria. Switch partners.” Ani Zero at agad kong hinila si Xian papunta sa tabi ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Jennie at ni Zero dahil doon.
“Bye, babe.” Paalam ni Chloe nang kawayan niya si Jester. Magkasalubong lang ang kilay niya knowing na makakasama ni Chloe si Alex na parang may gusto sa kanya noon.
“Pumunta na kayo sa mga kwarto niyo.” Sabi ko pero imbis na umalis ay nilapitan ako ni Zero to steal a kiss. What theㅡ
“Behave.” Tipid na paalala niya, nag-aalangan pa silang dalawa ni Jennie na lumabas, but in the endㅡnaiwan din kaming dalawa ni Xian.
Si Jester ay nag-i-stay sa kwarto nila Jennie. Samantalang si Rozee at Chloe ay nasa boy’s dorm kasama si Zero at Alex. Bahala na sila magplano ng strategy nila para mamaya.
“Sa tingin mo magagawa natin ‘to?” Tanong ni Xian na sinagot ko ng kibit-balikat. Alam kong nag-aalala siya dahil delikado nga ang gagawin namin.
Kami laban sa academy? That’s very dangerous, but I don’t care. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatunayan na wala nga silang kasalanan. Like I mean, hindi man lang sila nababahala sa nangyayari.
“What if kagagawan nga ng school ang nangyayari. Anong gagawin mo?” Natahimik ako lalo sa tanong niya. I don’t know, wala akong idea kung anong gagawin ko..
“Hindi ko pa napag-iisipan, ang mahalaga lang sa ‘kin ngayon ay ang malaman kung may kinalaman nga sila sa pagkamatay ni Xander at no’ng babae.” Tumango lang siya at saka ako niyakap.
“Don’t worry. Hindi kita pababayaan. Just don’t do reckless things by your own.” Sabi niya at ginulo niya lang ang buhok ko pagkalas niya.
“Yeah, I know. Thank you.” Ngumiti ako at sabay lang kaming napabuntong hininga.
Jennie’s POV
“Curfew na, let’s go.” Aya ni Zero. Magkakasama na kami ngayon sa back building.
“Mauuna na kaming umakyat sa control room.” Sabi ni Alex at nagmadali na silang umalis, nilingon ko naman sila Xian.
“Huli na kayong pumasok.” Sabi ko at saka ko hinila si Jester paakyat sa second floor. Madilim na sa buong main building, tanging konting liwanag lang ang makikita mula sa ilaw sa mga field kaya kahit papaano ay may nakikita pa rin kami rito sa loob.
Nang makaakyat na kami ay nakita na namin ang pagsunod nila Erin, marahan silang nagpunta sa tapat ng dean’s office. Hindi ko alam kung anong klase ng info ang hinahanap nila pero isa lang ang alam ko. Delikado itong ginagawa namin.
“Jen.” Bulong ni Jester kaya napalingon ako. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang may tao sa hagdan. Naka-suit itong itim at kitang-kita ang kulay neon orange niyang necktie. What a weird person.
“Sino kayo?” Tanong nito at hindi ako nagdalawang isip at agad ko siyang dinambahan para mawalan siya ng malay. Mabilis naman akong hinatak ni Jester nang magpass out ‘yong lalake.
“What the hell. Be careful!” Mahinang sabi niya at napairap lang ako.
“Tulungan mo na lang akong itago ‘tong lalaking ‘to.” Sabi ko at agad naman njyang hinila ang lalaki papunta sa madilim na sulok kung saan walang makakakita sa kanya. Sumilip ako sa hallway para tignan kung nandoon pa sila Erin pero mukhang nakapasok na sila sa loob ng dean’s office.
Dumungaw rin ako sa labas para tignan sila Zero, tahimik lang silang nakabantay sa entrance ng main. Wait, paano nakapasok ‘yong lalake nang hindi nakikita nila Zero?
“Jester.” Pabulong kong tawag at agad naman niya akong nilapitan.
“Dito ka lang, may sisilipin ako sa ibaba.”
“What?”
“Don’t make me repeat myself. Stay here, okay?!” Tumango siya kaya naman bumaba na ako, tumingin ako sa hallway sa first floor para tignan kung may tao roon.
“Anong sinisilip mo d’yan?” Boses ng lalake at bago pa ako makalingon ay nagdilim na ang paningin ko dahil sa naramdaman kong paghampas nito sa may bandang batok ko. f**k!
Erin’s POV
“Let’s go, wala na tayong makitang kahit anong ebidensya rito.” Aya ni Xian pagsara niya sa isang cabinet. Lumapit siya sa akin para tignan kung saan ako naghahalungkat.
“Hindi pa natin nakikita lahat ng bagay rito. Sure ako may makikita tayo.” Sabi ko sabay ayos sa mga ginulo kong papel. Tumayo ako at saka nagpunta sa may carpet, inangat ko ‘yon pero wala akong nakita. Tinignan ko rin sa mga vase pero wala, ‘yong ibang cabinet ay may code kaya hindi namin mabuksan.
“Come on, Erin. Let’s gㅡ” Hindi naituloy ni Xian ang pagsasalita nang may kung anong nag-vibrate sa bulsa niya.
“Damn!” Bigla na lang niya akong hinila at sa hindi malamang dahilan, nagtago kami sa likuran ng couch.
“Why?” Bulong ko kasabay nang pagbukas ng pintuan ng office. Nagkaroon ng liwanag sa buong kwarto kaya mabilis kong nilingon si Xian. Ipinakita niya sa akin ‘yong text ni Jester.
[Nandyan ‘yong dean! Papasok sila ngayon sa office. May mga kasama siyang lalake, be careful.]
Napapikit lang ako at pilit iniiwasang makagawa ng kahit anong ingay. Damn it! What are they doing here at this hour?
“Nagawa niyo ba ‘yong pinapagawa ko?” Boses ng dean.
“Yes. Na-inform na rin kami ni president R about sa mga future plan niya. Ano na pong gagawin natin sa mga estudyante?”
“Ilagay niyo muna sa secret room at saka niyo sila dalhin saㅡ” Huminto sa pagsasalita ang dean nang mag-ring ang phone nito.
“We don’t have enough drugs. Idiretso mo na ‘ng babaeng ‘yan saㅡWhat do you mean na kaibigan ni Cross ‘yang nahuli niyo?”
Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Xian. Umiling siya na para bang nagsasabi na ‘wag akong biglang susulpot. Napapikit lamang ako habang nakakuyom ang mga kamao ko. Ramdam ko namang hinawakan niya ang kamay ko para sabihin na huminahon ako. Damn! Sino ‘yong tinutukoy niya?
Nang biglang mamatay ang ilaw at marinig namin ang pagsara-bukas ng pinto ay agad akong sumilip at nakitang wala na sila roon.
“f**k! What happened? Sinong nahuli?” Tanong ko nang tumayo ako. Hindi ako mapakali, nakahawak lang ako sa magkabilang gilid ng ulo ko na para bang mababaliw ako ano mang oras kakaisip.
“Hey, relax.” Hinawakan ni Xian ang magkabilang balikat ko at pakiramdam ko ano mang oras ay maiiyak na ako. Ayokong maulit ‘yong nangyari kay Tyler! Not again!
“May kinalaman nga ‘yong dean. What now?” Tanong ni Xian.
“Let’s go back. Kailangan natin malaman kung sino ‘yong nakuha nila.” Sabi ko at marahan lang siyang tumango. Maglalakad na sana kami palabas nang biglang huminto si Xian, napahawak siya sa dibdib niya na para bang may mali.
“Why? Are you okay?” Tanong ko at agad niyang kinuha ang phone niya. May idinial siyang number doon.
“Si Jennie nasaan?”
“What do you mean? Naghiwalay kayo?”
Hindi ko na napakinggan pa ang pakikipag-usap ni Xian kay Jester. Hindi ko alam pero parang nawala ako sa sarili ko. Lumapit ako sa malaking painting na nasa likuran ng dean’s table. Pinagmasdan kong maigi ang mga detalye hanggang sa mapatingin ako sa pinakaibaba nito kung saan may nakaukit na maliit na letra.
“RC?” Basa ko bago mapahawak sa labi. Anong ibig sabihin ng Rc?
“Erin, nawawala si Jennie.” Pagkasabi sabi noon ni Xian ay agad akong lumapit sa kanya. Hindi na ako nagtanong pa at agad kaming lumabas ng office.
Damn! May mangyari lang na masama kay Jennie! I swear, susunugin ko ‘yong dean! At kung sino man ang president R na tinutukoy nilaㅡWait, what if ‘yong RC na nakaukit sa painting ay initial pala ng school’s owner? Ugh! This is making me insane.
Bwisit man sa buhay ko si Jennie pero mahal ko pa rin naman ang maldita na ‘yon! May mangyari lang talagang masama sa kanya. Hindi ako magdadalawang isip harapin ang dean. Magkamatayan man kami.