I really don’t know what to say. ‘Yong taong maraming buhay na sinira, ‘yong taong ginawang eksperimento ang buhay namin ng pamilya ko. ‘Yong taong nasa likod ng lahat ng ‘to ay lolo ko?! Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril sa kamay ni mommy. Kinasa ko ‘yon at itinutok sa matanda, never kong matatanggap na ang isang taong gaya niya ay kadugo ko. “Anak.” Tawag ni mom pero hindi ko ‘yon pinakinggan. “Alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo Rain at sa ‘yo na rin Erin. But trust me, kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to.” Sabi ng matanda pero hindi ko rin siya pinakinggan. “Papa bakit?” Rinig ko ang panginginig ng boses ni mom, kahit hindi ako lumingon ay alam kong umiiyak siya. “No’ng araw na namatay ang mama mo, pinangako ko sa sarili ko na igagawa kita ng maganda at kumplet
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


