Mahabang diskusyon ang namagitan kay Flat at Nigel. Naguguluhan ako sa usapan nila. Hindi ko magets kung bakit nagagalit si Nigel at ayaw niya maging model ako ng condom. Basta ang sabi niya. "Ayaw lang kitang mabastos." "Nigel, bakit nga kasi ayaw mo? Bakit ako mababastos? Ano ba ang condom?" pilit kong tanong dito. Gusto ko kasi talagang malaman kung bakit ganoon ang inaakto niya. "It's a contraceptive. Nilalagay iyon sa ano...basta.... mababastos ka if you'll be the one who'll endorse it." Bakit ba hirap na hirap siyang ipaliwanag kung ano 'yon? Hindi na ako nagtanong pang muli dahil talagang iritable na siya. Kahit na tinaasan ni Flat ang fee ay ayaw niya talaga. Hindi ko na rin pinilit pa dahil sapat naman na dahilan na ayaw niya akong mabastos kahit hindi niya maipaliwanag kung b

