Isang buong araw. Isang buong araw kong tiniis na hindi kibuin si Nigel. Kinakausap niya ako ngunit tipid lang na iling at tango parati ang nakukuha niya sa akin. Pinigilan ko rin ang sarili kong yakapin siya pabalik. Nakakasira ng ulo at nakakakunsensya ng kagandahan. Sinadya ko iyon dahil kailangan kong umarte upang maisagawa ko ang plano kong surpresa sa birthday niya. Maghapon niya akong kinukulit na lumabas kami bukas. Ngunit sagad sa gums ang pagtanggi ko. Napagod rin naman siya sa huli kaya bagsak ang balikat niya na pumasok na lang ng kwarto. Naiiyak ako kasi napalungkot ko siya. Masyado ko yatang ginalingan umarte. Ito kasing si Mikael ang nag-suggest noon. Sabi niya ay mag galit-galitan at magtampu-tampuhan raw ako para mas kapanipaniwala. Hindi raw kasi ako titigilan ni

