Pwede na talaga akong sabitan ng medalya dahil sa kamartirang tinataglay ko. Bumigay na naman ang inyong lingkod kay Nigel Revamonte. Wala ng maraming usap ay ayos na agad kami. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot. "Para namang hindi mo ako na-miss," sabi niya na may himig ng pagtatampo. Magkatabi na naman kami rito sa kama ko. Nakapulupot ang braso sa may bewang ko. "Namiss kaya kita," sabi ko. Pinaikutan niya ako ng mata at umupo. "Iyong totoo, why are you avoiding me?" pranka niyang tanong. Kita sa mukha nito ang kagustuhang malaman ang katotohanan. Ang hirap magmahal ng abogado, bistado agad kapag nagsisinungaling. Pero magsisinungaling ako ulit. Hindi ko pwedeng sabihin na nagseselos ako kay Nia. "Nagtatampo ako sa'yo kasi.... " Isip isip isip Inday. Aha! "Kasi hind

