Maaga akong sumibat kinabukasan dahil iniiwasan kong magkita kami ni Nigel. Sa boarding house ni Dory ulit ako pumunta. Kilala naman ako ng landlady niya kaya malaya akong nakakapasok doon. Reseller ko kasi 'yon ng longganisa.May susi rin ako ng kwarto ni Dory.Pagpasok ko ay tulog pa sya. Pasado ala sais na nang magising si Dory. "Oh, nagaway na naman kayo ni attorney? Aga mo ha." Pupungas pungas pa siya. "Bumalik na si Nia, bakla. Wala na akong lugar doon. Ampunin mo na lang ako," malungkot na sabi ko. "Sure ka bang jowa niya iyong Nia, Inday? Baka naman kaibigan lang o kaya kapatid." Napaisip ako bigla. Posible na ganoon pero imposible rin. Minsan kasi ay narinig ko si Nigel sa kwarto ni Nia na tinawag itong baby. Bahagya ko pa ngang binuksan ang pinto kaya narinig ko lahat. "I m

