Sinubukan kong pumasok sa kwarto niya kagabi para sana kausapin siya ngunit biglang umatras ang mga paa ko dahil sa hiya. Nakakahiya naman kasi talaga ang nagawa ko. Hindi ko alam kung paano sisimulang humingi ng tawad. Babawi talaga ako. Grabe pala siyang magtampo. Kahit tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Parang pinipiga tuloy ang puso ko. "Sit beside me," ani Nigel. Sumunod na lang ako at umupo sa kanyang tabi. Ngayon lang ulit niya ako kinibo. Napabuntong hininga ako. Mabilis akong sumakay sa passenger seat. Inimbitahan akong sumama ni Nia sa probinsya nila sa Naic kung saan siya lumaki. Para na rin makilala ng mga ito si Nigel. Pumayag na ako dahil tatlong araw naman ang ipinaalam kong broken hearted leave. "Nigel, tungkol doon sa... " "Save your words, Miles. We'll ta

