Kumaripas ako ng takbo palabas ng silid ni Nigel at nagdiretso sa kwarto ni Nanay Marlyn. Naabutan ko pa siyang nagse-selfie. "Oh iha, bakit hahangos hangos ka? May problema ba?! nag-aalala niyang tanong. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Nanay, may bird, nakita ko po si big bird," sabi ko habang umiiyak. "Hindi na virgin ang mga mata ko Nanay, nakita ko na po si big bird." Hindi ko talaga kinaya ang nakita ko. Sa dalawampung taon kong nabubuhay sa mundo ay labis akong iningatan ni Nanay at binusog niya ako sa pangaral na lumayo sa kamunduhan dahil bata pa raw ako. Sabi niya ay dapat ang mapapangasawa ko lang na lalaki ang dapat kong makitaan ng bird. E, hindi ko naman asawa si Nigel tapos nakita ko iyong bird niya. Tumitibok t***k pa nga tapos ay nakatingala. "Ano bang big

