Nagising ako dahil may yumuyugyog sa aking mga balikat. Si bebeloves ko agad ang nakita ko pagkamulat pa lang ng aking mga mata. "Nandito na tayo." "Pasensya na Sir, nakatulog ako." Nasobrahan yata ako sa pag-iyak kanina. Dama ko ang hapdi ng mga mata ko. Nakakahiya tuloy, para akong bakang umaatungal. Hindi talaga kasi kinaya ng puso ko. Agad akong umakyat sa aking silid pagkapasok ng bahay. Huminga ako ng malalim bago maupo. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Paano siyang napunta sa ganoong kagandang lugar? Bakit siya nakapang opisinang damit at bakit siya hinalikan sa labi ng babaeng kulubot na labanos? Siguro ay kabit niya 'yon. Tumulo na naman ang mga luha ko. Sa loob ng ilang taon na hindi niya pagpapakita, akala ko ay ok

