Sabi ni Nanay, masarap ang pakiramdam ng nagmamahal, para ka raw lumilipad. Nakakabaliw sa saya at nakakatunaw ng puso. Pero ang pakiramdam ko ngayon ay para na akong mababaliw sa kalungkutan. Ilang araw nang lumipas matapos ang mangyaring paghalik sa kanya ng babaeng minion ay hindi ko pa rin siya kinikibo. Buti na lang at hinahayaan niya ako. Madalas siyang nagsisiksik ng sulat sa may ilalim ng pinto ng silid ko. Hindi ko naman iyon binabasa kasi wala lang, maarte lang ako. "Hoy, Inday! hilong hilo na 'yang kape kakahalo mo." Napabalik huwisyo ako nang gulatin ako ni Dory. Nasa canteen kami at maaga kong gustong maghapunan. Kumakain na ako bago umuwi dahil ayokong makasabay sa hapag si Nigel dahil naiinis pa rin ako sa kanya. "Dory, ang lungkot-lungkot ng puso ko," nakabusangot k

