Kahit mahirap ang buhay na aking nakagisnan ay lumaki naman ako na puro papuri ang natatamo galing sa mga taong nakapaligid sa akin. Ako raw iyong tao na kahit anong hirap ng buhay ang pinagdadaanan ay nakukuhang magpatawa at magpagaan ng loob sa iba. Hindi ko naman iyon sinasadya, kusa lang iyon lumalabas sa pagkatao ako. Mas mahihirapan lang kasi ako kung masyado kong didibdibin ang mga bagay-bagay sa mundo. Akala ko ay kaya ko siyang i-apply sa kahit anong problema o aspeto ng buhay na maari pang dumating sa akin. Sa dami nang napagdaanan ko ay napatunayan kong marunong din pala akong mapagod. Hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang mga bagay at tao na labis na nakasakit sa'yo. Ang pagpapatawad ay parang isang personal na bagay na mahirap ibigay agad-agad. Hindi madaling ibigay

