Nigel's Hindi ko na kayang maghintay pa ng bukas para makita ang mag-ina ko kaya pinasundo ko na sila kay Mikael. Yes. Sila. He told me earlier that Miles has a kid. And I claimed it mine already kahit hindi ko pa nakikita ang bata. Sumaglit ako sa mall upang bumili ng mga laruan. Para akong nagpa-panic buying na tila ba may bagyong darating. Gusto kong ngumiti, umiyak--no, gusto kong humagulgol nang makita ko sila. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang buhatin ko ang bata. Seeing Miles alive makes my heart whole again. Pero noong nalaman kong may anak kami, feeling ko iyong puso ko mas lalong nagsumiksik sa laman dahil punong-puno iyon ng kasiyahan. They are my family that I was longing for. I wonder how many jobs Miles has now. Ang lusog-lusog kasi ng anak ko. Paano niya kaya napa

