Lumipas ang tatlong buwan ay nasanay rin ako sa buhay dito sa Maynila. Nadagdagan rin kahit papaano ang mga kaibigan at kakilala ko ngunit mas madalas si April at Dory ang nakakasama ko sa maraming oras. Si Kenneth ay nagresign na. Nag-alala nga ako dahil hindi man lang siya nagpaalam. Basta na lamang siya hindi pumasok. Si Nigel naman ay mas lalong napalapit sa akin. Hindi na ako nahihiya sa kanya di tulad dati. Deserve naman niya 'yon dahil walang hiya naman siya. Tapos ay palagi niya pa akong binubully. Hindi ko naman na maitatanggi sa aking sarili na nahuhulog na ako sa kanya. Pero syempre, sa akin na lang 'yon dahil hindi naman niya ako kayang gustuhin pabalik. Pagkababa ko ng sala ay naabutan ko siyang naglalagay ng longganisa sa may styro. "Ang dami naman niyan, sinong bumi

