Alas dose na ng gabi pero wala pa rin si Nigel. Nag-aalala na ako dahil hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta. Ayos lang naman kung hindi siya makakauwi. Sana lang ay sinabi niya kung nasaan siya. Bumalik ako sa kwarto upang pagdating niya ay makapagusap kami agad. Sigurado kasing hindi niya ako pagbubuksan ng pinto kapag kinatok ko siya. Malala siyang magtampo. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga papeles sa lamesa. Sabog-sabog kasi ang mga iyon. May maliit na kahon na nalaglag habang sinisinop ko ang mga papel. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata nang makitang isang diamond ring ang nasa loob. May nakapatong na nakatuping papel sa singsing. Alam kong masama ang makialam ng gamit na hindi sa'yo ngunit may kung anong naguudyok sa akin na alamin ang nila

