Wala pang isang linggo matapos kong um-oo ay naikasal na kami ni Nigel. Si Nanay kasi ay nahuli akong lumabas ng kwarto ni Nigel isang umaga. Hindi naman siya gaanong nagalit pero hindi niya pinalampas ang pagkakataong makurot ako sa singit. Ang puri raw ay parang babasaging bagay, kapag nagkalamat na, kahit anong dikit at tapal ay hindi na mabubuo pa. Namroblema pa nga ako noong una kasi baka hindi pumayag si Nigel. Pero laking gulat ko nang magtatalon siya sa tuwa. Tila ba pinaboran siya ng pagkakataon. Sa huwes lang kami kinasal, ayaw na kasi ni Nanay na patagalin pa dahil baka mabuntis raw ako. Si Nia, Mikael, Dranrei at sila Nanay ang naging witness. Pag magaling na ang mommy ni Nigel ay sa simbahan naman kami magpapakasal. Para akong nasa ibabaw ng bahaghari matapos ang kasal. La

